Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao. |
|
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:
Outgoing:
Total Outgoing: |
0
0
45
7267 |
|
|
Articles from Emotional Fiddler |
Noli Me Tangere Kabanata 42 - Ang Mag-asawang De Espadaña.
2007-09-03 12:37:39
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Buod
Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.
Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid.
Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Nuong bata ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 41 - Dalawang Panauhin.
2007-09-03 12:35:47
Kabanata XLI
Dalawang Panauhin
Buod
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling na ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 40 - Ang Karapatan At Lakas.
2007-09-03 12:35:44
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Buod
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.
Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Danga’t nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente.
Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 39 - Si Donya Consolacion.
2007-09-03 12:34:18
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Buod
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bhay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.’
Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit.
Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti p ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 38 - Ang Prusisyon.
2007-09-03 12:33:34
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Buod
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gam ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 37 - Ang Kapitan Heneral.
2007-09-03 12:32:43
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Buod
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari Martin,Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral…Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina kapitan tiyago at Maria.
Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 36 - Ang Unang Suliranin.
2007-09-03 12:31:31
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Buod
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.
Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 35 - Mga Usap-Usapan.
2007-09-03 12:30:33
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Buod
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 34 - Ang Tanghalian.
2007-09-03 12:29:18
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Buod
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Da ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 33 - Malayang Kaisipan.
2007-09-03 12:28:42
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Buod
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway.” Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan,” pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing “hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo.”
Ang ganit ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 32 - Ang Panghugos.
2007-09-03 12:27:56
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Buod
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Aito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Tinignang mabuti ni Nor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga natutulog at magpatulog ng gising.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 31 - Ang Sermon.
2007-09-03 12:27:19
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Buod
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silay’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw”
Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador.
Sinabi ni pari Damaso na kanyang binitiwan ang mga p ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 30 - Sa Simbahan.
2007-09-03 12:26:28
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Buod
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.
Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dala ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 29 - Kinaumagahan.
2007-09-03 12:20:08
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Buod
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.
Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sap ...
|
Noli Me Tangere Kabanata 28 - Sulatan.
2007-09-03 12:19:25
Kabanata XXVIII
Sulatan
Buod
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.
Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.
Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ...
|
|
|