Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:


Outgoing:
Total Outgoing:
0
0


42
7434

Articles from Emotional Fiddler

Kabanata 5 - Ang Noche Buena Ng Isang Kutsero.
2007-09-07 03:26:51
El Filibusterismo Kabanata V Ang Noche Buena ng Isang Kutsero Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil. Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen. Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio. Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok ...
Kabanata 4 - Kabesang Tales.
2007-09-07 03:24:53
El Filibusterismo Kabanata IV Kabesang Tales Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle. Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay an ...
Kabanata 3 - Mga Alamat.
2007-09-07 03:23:10
El Filibusterismo Kabanata III Mga Alamat Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan. Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig. Nagandahan si Ben Zayb s ...
Kabanata 2 - Sa Ilalim ng Kubyerta.
2007-09-07 03:21:41
El Filibusterismo Kabanata II Sa Ilalim ng Kubyerta Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago. Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. I ...
Kabanata 1 - Sa Ibabaw ng Kubyerta.
2007-09-07 03:19:58
El Filibusterismo Kabanata I Sa Ibabaw ng Kubyerta Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya. Tandaan: 1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila. 2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan. 3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag. 4. Ang tabo ay isang katutubong bata ...
Mga Tauhan sa El Filibusterismo.
2007-09-07 03:17:18
Mga Tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal:Simoun Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani Ang makatang kasintahan ni Paulita Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal Ben-Zayb Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino Ang amain ni Isagani Don Custodio Ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Makaraig Ang mayamang mag-a ...
Bahala Na Si Francis (2).
2007-09-06 01:30:04
Kung hindi siya kikilos ng mas mabilis sa kinasanayan, siguradong mahuhuli siya sa klase niya. “May kailangan akong gawin bago pumasok. May kailangan akong gawin…” Para siyang natatae sa pag-isip ng kung ano ba ang dapat niyang gawin bago siya pumasok. “Wala namang assignment. Wala nga ba?” Sapul! Naisip niyang kailangan niyang magkaroon ng ipapasa para sa Values Education class niya ngayong hapon. Dahil sa hindi niya kabisado ang kanyang schedule, nalito siya kung anu-anong mga klase ba ang dapat niyang pasukan sa araw na iyon. Naupo siya sa silya at binuksan ang drawer ng kanyang study table. Nagkalat doon ang kung anu-anong hugis ng yellow pad, intermediate pad, punit na pahina ng notebook at iba pa. Naroon din ang ilang balat ng candy at ilang chewing gum na kinatamaran niyang itapon sa basurahang malipat lang naman sa study table. Inilabas niya ang lahat ng mga papel at hinanap ang class schedule niya. Thursday 8:30-10:00 Physical Education 1 11:00- ...
Bahala Na Si Francis (1).
2007-09-04 11:09:26
Sa bilis na 0.625 m/s, hindi umangat sa papel ang bolpeng ginagamit niya. Ayun! Hindi naman talaga niya alam ang isusulat pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtukoy ng tamang quadratic formula. “May square root yun!” Kahit anong pilit niya, nagpatuloy lang sa pag-urong-sulong ang ballpen. Kahit anong piga niya sa utak niya, nahirapan pa rin siyang pumili ng sagot sa bawat item. Kung hindi dahil sa nakasisilaw na kaputian ng hita ng Algebra professor na nagbabantay sa mga kumukuha ng exam, baka kahit papaano ay naisulat niya sa kanyang scratch paper ang tamang quadratic formula. “Square root of what? Over negative something ba ‘yon?” Palibhasa’y sexy ang professor kaya hindi niya napigilang mapatitig, mapahinto sa pag-iisip, at mapanganga sa tuwa dulot ng magandang tanawin. Hindi siya nagpaawat/ Inilapag niya ang ballpen at nanatiling nakatuon ang pansin kay Ms. Sexy Professor. Dahan-dahang tumulo ang kanyang laway, nang hindi niya mamalayang nasa harapa ...
Noli Me Tangere Kabanata 64 - Katapusan.
2007-09-03 13:13:03
Kabanata LXIV Katapusan Buod Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, aiya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay. Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatup ...
Noli Me Tangere Kabanata 63 - Ang Noche Buena.
2007-09-03 13:11:36
Kabanata LXIII Ang Noche Buena Buod May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ...
Noli Me Tangere Kabanata 62 - Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso.
2007-09-03 13:09:57
Kabanata LXII Ang Pagtatapat ni Padre Damaso Buod Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento. Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong ...
Noli Me Tangere Kabanata 61 - Ang Barilan Sa Lawa.
2007-09-03 13:09:01
Kabanata LXI Ang Barilan sa Lawa Buod Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias. Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsid ...
Noli Me Tangere Kabanata 60 - Ikakasal Si Maria Clara.
2007-09-03 13:05:08
Kabanata LX Ikakasal na si Maria Clara Buod Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibus ...
Noli Me Tangere Kabanata 59 - Pag-ibig Sa Bayan.
2007-09-03 13:04:14
Kabanata LIX Pag-ibig sa Bayan Buod Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil mins ...
Noli Me Tangere Kabanata 58 - Ang Sinumpa.
2007-09-03 13:03:14
Kabanata LVIII Ang Sinumpa Buod Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal ...
[First] « Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 Next » [Last]


5480 blogs in our database.
Statistics resets every week.
eXTReMe Tracker