Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:


Outgoing:
Total Outgoing:
0
0


42
7434

Articles from Emotional Fiddler

Kabanata 19 - Ang Mitsa.
2007-09-07 04:10:15
El Filibusterismo Kabanata XIX Ang Mitsa Buod Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo. Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido. Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila. Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kan ...
Kabanata 18 - Mga Kadayaan.
2007-09-07 04:08:48
El Filibusterismo Kabanata XVIII Ang mga Kadayaan Buod Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita. Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi s ...
Kabanata 17 - Ang Perya sa Quiapo.
2007-09-07 04:06:16
El Filibusterismo Kabanata XVII Ang Perya sa Quiapo Buod Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prins ...
Kabanata 16 - Ang Kasawian ng Isang Intsik.
2007-09-07 04:05:08
El Filibusterismo Kabanata XVI Ang Kasawian ng Isang Intsik Buod Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.S ...
Kabanata 15 - Si Ginoong Pasta.
2007-09-07 04:03:09
El Filibusterismo Kabanata XV Si Ginoong Pasta Buod Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito. Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Ginoong Pasta? Sagot Isang bantog na mananaggol ng Maynila. 2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta? Sagot Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani? Sagot Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan. ...
Kabanata 14 - Sa Bahay ng mga Mag-aaral.
2007-09-07 03:56:49
El Filibusterismo Kabanata XIV Sa Bahay ng mga Mag-aaral Buod Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino. May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila ...
Kabanata 13 - Ang Klase sa Pisika.
2007-09-07 03:53:50
El Filibusterimo Kabanata XIII Ang Klase sa Pisika Buod Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan. Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika. Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo ...
Kabanata 12 - Placido Penitente.
2007-09-07 03:51:05
El Filibusterismo Kabanata XII Placido Penitente Buod Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya. Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi. Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba. Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana ...
Kabanata 11 - Los Baños.
2007-09-07 03:49:28
Kabanata XI Los Baños Buod Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos. Noo’y ika-31 ng Disyembre. Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan. Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon ...
Kabanata 10 - Kayamanan at Karalitaan.
2007-09-07 03:44:25
El Filibusterismo Kabanata X Kayamanan at Karalitaan Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niya ...
Kabanata 9 - Mga Pilato.
2007-09-07 03:43:01
El Filibusterismo Kabanata IX Ang mga Pilato Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda. Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales. Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan. Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niy ...
Kabanata 9 - Mga Pilato.
2007-09-07 03:41:59
El Filibusterismo Kabanata IX Ang mga Pilato Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda. Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales. Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan. Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niy ...
Kabanata 8 - Maligayang Pasko!
2007-09-07 03:33:52
El Filibusterismo Kabanata VIII Maligayang Pasko Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo. Tanong at Sagot: 1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas? Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian. 2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito? a) maaga silang ginigising para magsimba; b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa); k) isinisimba sila sa misa mayor na m ...
Kabanata 7 - Si Simoun.
2007-09-07 03:30:39
El Filibusterismo Kabanata VII Si Simoun Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra? Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. A ...
Kabanata 6 - Si Basilio.
2007-09-07 03:28:00
El Filibusterismo Kabanata VI Si Basilio Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon. Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina. Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuo ...
[First] « Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 Next » [Last]


5479 blogs in our database.
Statistics resets every week.
eXTReMe Tracker