Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao. |
|
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:
Outgoing:
Total Outgoing: |
0
0
42
7434 |
|
|
Articles from Emotional Fiddler |
isang araw bago ang araw na iyon
2006-01-27 22:07:00
anu-ano nga ba ang mga naganap ngaung araw? well, sa tle, linis-linis lang ng mga computer. sa mapeh, practice na naman. hindi pa ako nakakapagbayad ng 100. ang tigas talaga ng mukha ko. sa chem, nag-discuss about gas law na hindi ko pa rin maintindihan. siyempre hindi nawala yung pagkukuwento ni mrs nudo about dun sa contest kahapon (pero hindi ung debate; yung sa science ang tinukoy nia). time pressured daw masyado. blah. blah. hindi ako nakinig masyado sa reporting ng group 5 kasi gumagawa ako nun ng article sa journalism–yun nga yung tungkol sa inauguration. nakakain na ako ng lunch bago pa man dumating si mrs sta ana. pinaayos lang sa amin ung index card ngh recitation, assignment and seatwork records. sa math naman e diniscuss ung effect ng d sa y = a cos b (?+c) + d at saka y = a sin b (?+c) + d. puno n nmn ng corny jokes. lalo n ung home econanay at kung anu-ano pang nakakatawa (gwabe!) na bagay. aba! sumagot yata ako sa blackboard. nag-graph ako, e. la akong ginawa sa ...
|
isang araw ng debate
2006-01-26 22:06:00
Hindi ko inaasahan na paglilinisin na naman kami ng sahig sa Computer classroom. Parating ganoon ang eksena tuwing magdyi-general cleaning sa TLE. Iyon lang ang naging klase namin ngayong araw na ito sapagkat ngayong araw gaganapin ang finals ng debate between RHS and PCC. At intermission number pa ang third year pilot sa nasabing finals sa Auditorium. Bohemian Rhapsody… Mama, just killed a man…. And it certainly reminds me of the “I like it that way” thing. Remember that time is not worth the trouble.Anyway, marami rin namang nangyari habang tumatakbo ang oras ngayong araw na ito.
Pagkatapos ng TLE, nung pabalik na ako sa room e nitawag ako ni Alex na nakita kong nasa may canteen. Sabi niya late daw siya sa first class nila kaya doon muna siya nag-stay. Nipakilala niya sa akin yung friend niya na J din ang umpisa ng pangalan tulad ko at may hawig ang pangalan sa akin: parang Joms o kaya Jay, ewan. Pinabitbit sa akin ni Alex yung bag niya. (Bigat ba? Hindi nam ...
|
isang pagpaparamdam
2006-01-25 22:06:00
Why does Mint have to make a call? It never came up to my mind that Mint will call me up. Dapat ko siyang kalimutan, diba? Pero bakit may naramdaman akong tuwa noong narinig ko ang boses niya? Para bang matagal na akong nangungulila sa kanyang tinig, sa kanyang punto, sa paraan ng kanyang pagsasalita at sa mga bagay-bagay na aming pinag-uusapan. Why does Mint have to call kung kelan alam ko namang dapat nang kalimutan ang gabing iyon? Pampasakit siya ng ulo ko, alam mo ba iyon? I made the decision na huwag muna siyang pansinin. Oo, sige na. Hindi ko siya kayang kalimutan. Pero sa ngayon ginagawa ko. Sabi mo nga, minsan, diba, kailangan nating magpaalam sa taong mahalaga sa atin. Kahit na masakit, oo, kahit na masakit gagawin mo kung doon siya magiging masaya. Alam ko namang magiging masaya siya kung mawawala na ako sa buhay niya. I don’t deserve being a part of Mint. Hindi ako karapat-dapat na maging bahagi ng buhay niya.
Na-realize ko na tanga pala ako kasi nagmahal ako ng isang ...
|
una laban sa huli
2006-01-24 22:05:00
Minsan tlg u need to forget somebody else just for the better person in your life. Kung alam mo nmn s srili mo n u don’t deserve 2 b with the previous person e u really ought to forget him. Khit n b siya ang minsang nagpangiti sau in times of bitterness and pain. Khit n b dti lgi xang lman ng icp mo. Khit n b dti e kla mo xa n mhl mo. Pro indi pla. U will certainly come up to realize that what you feel for the previous person in your life is pure imagination and not reality. U have to realize that this latter person is better than the previous one in the sense that you always miss the latter more than how you miss the other one. It is not an obsessive-compulsive neurosis! U have to become a stronger person once to came up to the boundary that you do think that you are not in love with the previous but with the latter. Mhirap mang tanggapin n u have to forget the previous e u need to move on. Moving on is not hard if you’re in love with someone else. Ganyan ang pag-ibig. Sac ...
|
isang maysakit
2006-01-23 22:05:00
Hindi ko ineexpect ung nangyari…kasi naman napunta ako ng Clinic nang hindi oras. Sumakit kasi yung tiyan ko simula pa noong Chemistry tapos lalo pang sumakit pagdating sa classroom. Masakit talaga.
Sinamahan ako nina Lecle at Mary Joy sa Clinic tapos binigyan ako ng gamot. Nakasabay namin si Carmela na pumunta din ng Clinic kasi masakit daw yung katawan niya. Paglabas niya meron na siyang dalang Advice-to-go-home slip.
Pagbalik sa classroom–time yun ng Math, e, wala si Sir–masakit pa rin talaga. So humingi kami ng help ni Lecle kay Mrs. Merino. Nagulat siya pati na rin si Mrs. Relova. Sabi nung huli inaatake daw ako ng hyperacidity. Sabi ko, ha? So iyon, sabi nila sa clinic daw muna ako mag-stay.
Inihatid ako ni Lecle sa Clinic tapos kung anu-ano na yung pinaggagawa sa akin ni Mrs. Hiyao (na tita ng asawa ng tita ko) at nung isang lalaking ewan ko kung sino di naman naka-uniporme. Pinainom ako ng gamot na naman tapos nilagyan ako ng mainit na bagay sa may tiyan. Pin ...
|
isang pakikipagsapalaran
2006-01-22 22:04:00
Sa kasarapan ng laban nina Pacman at El Terible, kampante kong sinubukang magbasa ng Noli Me Tangere at nagiliw nang mabasa ang kabanatang “Ang Kapitan Heneral” hanggang sa mayroong tumuktok sa pinto. Hindi ko namalayan na si Joan na pala iyon mandi’y naalala ko na pupunta nga pala kami sa Sucat ngayong hapon upang makita ang cast ng Etheria lalo na si Iza Calzado. Pinatuloy siya sa loob ng bahay kasabay ang nakababaklang hiyaw ng aking Tita, Tito at Lola sa panonood ng boxing.
* Nangangahulugan ang “nakababakla” na nakakabasag ng katahimikan! Ok?
Ang mundo ko’y tila napapanganyaya o malapit nang mabuwag. Halos manghilakbot ako! Kagyat naman akong nagtungo sa banyo upang maligo at pagkuwa’y nagbihis na para sa aming lakad. Sinabi ko sa kanya na hindi ako papayagan at wala rin akong pera noong oras na iyon sapagkat hindi ko tiyak kung pahihintulutan pa akong umalis sa kabila ng aking pag-ubos ng P50 na ibinigay sa akin kagabi nang humingi ako ng ...
|
isang binhing tumutubo sa lupa
2006-01-21 22:04:00
4 am na ako nakatulog kanina tapos nagising ako ng tawag sa telepono. Guess who? Sino pa ba kundi itong bago kong kaibigan na si Uly (yu-lee). Kung anu-ano na naman ang napagkuwentuhan namin. Tapos medyo bangag pa ako kanina kasi nga bagong gising lang ako.. pero ayos lang naman at least nagising ako dahil sa isang tawag…ehehehe. Medyo nagalit yung nanay niya kasi aga niya magtelebabad kaya sabi niya tawag na lang daw siya ulit. Dalawang beses nga pala ako kumain ng agahan tapos nahiga na naman ako sa kama.. Hayz. Nakatulog ako tapos usap na naman kami ni Uly. Aba nakatatlong tawag siya. Kung anu-ano napag-usapan siyempre. Tapos may niamin siya. Sabi niya crush niya daw ako. Hayz. Ako naman e mabait kaya ok lang naman sa akin un… still friends kahit bakla siya. Rami din naman akong kilala and friend na bis and gays kaya no prob naman sa akin itong si Uly. Medyo nagulat ako na may crush nga siya sa akin pero hindi naman masyado kasi nga ini-expect ko na talaga iyon (bakit ...
|
ilang pagkukuwento at sari-saring kuwento
2006-01-21 22:03:00
Mag-aalas kwatro na ng madaling araw…hindi pa ako natutulog. Ehehe. Napasarap kasi yung laro ko ng Age of Empires e. Tuloy parang nakalimutan ko na ang oras. Hirap talaga kapag night shift ka. Pag umaga ako tulog at sa kalaliman ng gabi ako gising. Paniki na ata ako. Pero at least nakakatulog pa rin ako hindi tulad ng ibang tao diyan na isang linggo nang walang tulog. Hihihi!
Hayz… kanina nga pala tumawag na naman si Uly. Katulad ng oras ng pagtawag niya kagabi. Siyempre nagkuwentuhan na naman kami. Naikwento niya yung Biology class nila.. blood typing na daw sila. Naalala ko tuloy yung blood typing last year. Puro dugo. Wah! Kala ko masakit hindi naman pala. Puro school ang pinag-usapan naman. Nagkuwento pa nga ako ng tungkol kay Crisostomo Ibarra e. Tapos iyon medyo matagal din ang pag-uusap namin. Kala ko maipapahinga ko na ang boses ko yun pala hindi.
Tumawag naman si Dexter tapos nagpapatulong sa Book Report nila sa English–Romeo and Juliet. Nagpakuwento siya. ...
|
isang bagong kaibigan
2006-01-20 22:02:00
“Hello,” sambit ko matapos bumaba at iwanan ang isinusulat kong blog entry upang sagutin ang kumiriring na telepono.
“Ah, hello, pwede po kay Jonell?”
Hindi pamilyar ang kanyang tinig; ngayon ko lang narinig ang kanyang tono ng pananalita ngunit sigurado ako na siya ang aking hinihintay.
“Ah… sino ‘to?” Pakunwa kong pakli habang ipinapanhik na kasama ko ang telepono at nagtuloy sa harap ng computer.
“Si Uly.. Pwede po kay Jonell..Jonell?” Nagulat ako sapagkat tama ang kanyang intonasyon sa pagbigkas ng aking pangalan.
At doon nagsimula ang aming tila walang humpay na pagkukuwentuhan na hinadlangan ng pagdating ng kanyang Daddy. Isang oras din ang lumipas noon at naging magaan naman ang kalooban ko sa sophomore na ito ng Quirino High School. Wari bagang matagal ko na siyang kilala sa punto ng aking pagsasalaysay sa kanya ng mga bagay-bagay na pangunahing tumukoy sa kaganapan sa pagitan ko at ng aking guro sa Ingles at ang mga ...
|
katapusan ng ikatlong markahang pagsusulit
2006-01-20 22:02:00
Buti naman tapos na ang mga test. Kanina pagkapasok ko sa campus e hinila ako bigla ni Madeleine sa isang side para hintayin si Allan na hindi naman nagpakita sa amin. Nakasabay niya daw sa jeep si Ms. Castillo. Nilibre daw siya ng pamasahe. Wow! Mabait naman!
Hindi pa naman kami masyadong late noon. Bumili siya ng papel sa coop tapos pumanik na kami sa classroom. Aba wala ata si Mrs. Nudo. Nung napansin kong kailangan nga pala ng pencil para sa Filipino e hinila ko si Madeleine na bumili ng lapis. Ang tagal bago kami nakabalik ng room kasi naman walang pantasa.
Tapos test na. Aba! Nandoon yung adviser namin, si Mrs. Iquin. Hindi naman ganun kahirap yung Science kasi mas mahirap pa yung mga quiz namin. Ehehe. Yung MAPEH, halos wala akong masagot kasi di ko alam yung mga iyon. Pero hindi naman siya masyadong mahirap. Yung Filipino naman ang haba-haba. Naka-isang oras yata ako kababasa ng mga tanong. Ang hahaba talaga.
So, after nung test e niyaya ko si Joan na bumili ng food sa Pag-asa. ...
|
umpisa ng ikatlong markahang pagsusulit
2006-01-19 22:01:00
Ano pa ba ang ibubulaga sa akin ng mga classmate ko pagdating na pagdating sa school. Sabi ni Arnold, galit na galit daw si Mrs. Merino. Sabi rin ni Jose. Si Mahal nga nabalitaan din. At siyempre lahat sila alam kasi witness sila kahapon! Test na. Siyempre magkakalayo ang upuan. First test Math. Tapos biglang pumasok sa room si Mrs. Merino. Dapat ba akong kabahan? Di ba nga ok na kami. Di lang siguro alam ng mga classmates ko. Iba nga e napatingin sa akin upang makita ang reaksyon ko sa biglang pagpasok ni Mrs. Merino at kinausap si Mrs. Nudo, na nagbabantay sa amin kanina. Bakit ako kakabahan? Sanayan lang siguro yan. Sanay na ako sa ugali niya. Ganoon talaga kasi si Mrs. Merino. Hayz… Ang hirap ng Math… hirap talaga pag bobo ka. Tapos yung English hindi naman mahirap e. Tapos yung AP ang hirap… mga hindi namin pinag-aralan yun, a! Bakit may France doon? Bilang ko lang sa daliri ang mga napag-aralan namin, a! Renaissance lang at saka ano ba yon basta. Bakit ganoon ...
|
isang himagsikan (kilala kaya nila sa bonifacio)
2006-01-19 22:01:00
Kagabi, nabalitaan ko na lang mula kay Lecle na galit na galit na galit na galit na galit daw si Mrs. Merino sa akin. Impolite daw ako kasi rude daw yung ginawa ko. Kasi naman itong si Ms. ST e nagsumbong pala tungkol sa isinulat ko kahapon na sentence sa blackboard. Meron kasi akong hindi maintindihang sentence na ipinipilit ko yung grammar kay Mrs. Merino. Kasama kasi iyon sa test… di ko lang ma-remember yung exact na sentence pero ang big deal doon ay yung verb na find. Isinulat ko sa blackboard yung sentence para i-explain kay Angela yung side ko about that particular sentence and then nung papalabas na ng room si Mrs. Merino e sinundan na siya nila Lecle, Jeff, Jhelai… so iyon di ko na na-explain kay Angela yung sentence. Hindi ko naman isinulat iyon para sabihin sa buong klase na ‘Ei, mali si Mrs. Merino, dapat ganito ganyan…’ Hindi kasi ganoon iyon e pero ganoon ang naging dating kay Mrs. Merino. Aba… galit na galit yata sa akin itong si M ...
|
isang pagbabalatkayo
2006-01-18 22:00:00
Nagsimula ito noong January 4, dalawang taon na ang nakalilipas. Iyon ‘yung time kung kelan nasa akin pa ang dati kong cp. Gabi na noon at malapit nang mag-alas-dose nang naisipan kong maghanap ng maiti-text. I browsed my phone book at na-emphasize sa akin ang pangalang Niño. Siya ‘yung crush ni Cherry ng III-1… fourth year siya noong first year palang ako… at magkamag-anak sila ni Ma’am Grace na noon ay Filipino I S.T. Paano ko nga ba nakuha ang number niya? Hindi ko na maalala. Ang naaalala ko na lamang ay ang naisip kong trip kay Niño. Tutal hindi niya naman ako kilala so pwede ko siyang pagtripan, sabi ko sa aking sarili. “Hi. Mr. Pogi na may bigote…” Iyan lang ang naaalala ko sa tinext ko sa kanya ng gabing iyon. Ilang sandali lang e nagreply na siya at sinabing “Jm? Gotcha!”. Siya mismo, sa isang indirect way, ang nagbigay sa akin ng mas malalim na idea.
Pinanindigan ko ang pagiging JM simula noon. There came times ...
|
isang pangungulila
2006-01-18 21:58:00
Hayz… Periodical test na pala bukas… hindi pa ako nagre-review. Hindi pa rin ako gumagawa ng huling assignment tungkolsa England sa AP.. at hindi pa rin ako tapos sa paggawa ng term paper. Actually, yung conclusion na lang at saka yung iba. Meron na akong introduction at acknowledgments pero wala pa ako nung iba. Hayz talaga. Ang hirap-hirap. Sobra. Pero hindi naman ako magsisisi kung next year e wala na ako sa pilot. Ang saya non!
And ang mas masaya e mas makakasama ko si Mint kung saka-sakali. Hindi ko pa rin siya mawaglit sa aking isipan. Iniisip ko pa rin ang kanyang boses. Kapag nakakarinig ako ng kaboses niya o kapunto niya e di ko magawang kiligin. Hayz. Miz na miz ko na si Mint at gusto ko na rin siyang makita. Pero natatakot ako n bka makaapekto ang kanyang hitsura sa magiging pagtrato ko sa kanya.
Mahirap kasi ito ngayon e… hindi ko pa alam kung ano ang kanyang hitsura.. pero alam ko mabait siya at mahal niya daw ako. Magkapatid lang… ikaw naman o. ...
|
isang sigwang dulot ng pagmamahal
2006-01-17 21:58:00
Hayz… dpt ko p bang ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya kung lam ko nmng s bandang huli ay masasaktan ako? Mahal ko nga c Mint? Ngayon ay tinitiyak ko na nag-aalinlangan na ako sa aking nararamdaman sa kanya. Tila baga nawawalan na ako ng pag-asa sapagkat lam ko nmn n hindi makabubuti ang aking mga pinaggagawa. Ngayon nga ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng aking utak. Kani-kanila lang e halos mabitawan ko na yung pitsel ng tubig nung kinuha ko sa ref tapos natapon ko pa yung isinasalin ko kaninang tubig sa baso ko. Tapos sa banyo naman, mabitaw-bitawan ko na yung sabon. Nawawalan na yata ako ng focus. At ngayon papasok pa ako. Ang saklap. Anong klaseng pagmumukha ang ihaharap ko sa mga kaklase ko. Isang malaking pagbabago ba buhat ng pagdating ni Mint sa buhay ko? Panay pa rin ang bugso ng pagpupuyos sa loob ng aking puso. Hindi ko mawari ang aking ilalabas o ipakikitang emosyon sa aking paligid sapagkat alam kong walang makaiintindi sa aking kalagayan. Hihintayin ko pa bang m ...
|
|
|