Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao. |
|
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:
Outgoing:
Total Outgoing: |
0
0
42
7434 |
|
|
Articles from Emotional Fiddler |
Day 25 - nababagabag ang mga nakapiring na mata
2006-07-11 04:30:00
5:40 pmstudy net, computer no. 43
nakangiwi ang katahimikan nang dinatnan ko ang aking sarili na nakahilata sa bagong sofa sa kalagitnaan ng gabi. maaga pala akong nakatulog. alam ko ang kapalit ng pagtulog ng maaga: hindi ako maaga magigising. nangyari nga! hindi ko pinansin ang aking paligid nang ako ay gumising at nagmadali sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan nang hindi nag-aalmusal. pagkasakay ko sa tricycle, may bigla akong naalala… naiwan ko pala ang nokbuk ko at ang nokbuk ni arvin sa bahay. bumalik ako para kunin. mapalad naman sapagkat nasa eskuwelahan na ako isang minuto bago mag-alas siete.
katulad ng dati, nag-reporting sa filipino. lumapit sa akin si arvin at pinabasa ang sulat niya para kay siya_ _ _. nag-ala deal or no deal kami dahil na naman sa akin. ang hirap talagang maging leader. hindi na naman ako nakapagsalita pero puro recitation naman ang ginawa ko.
20 minutes kaming late sa p.e. dahil sa overtime kami sa filipino. nung nag-eexercise kami nakita k ...
|
Day 24 - ang panaghoy ng sigwang bumalot sa ulap
2006-07-10 04:59:00
6:03 pmstudy net, computer no. 46
ginising ako ni khaye over the phone dahil wala akong kasama sa bahay naman ngayong araw. pumunta ng bicol ang lola ko kaya ako lang ang tao sa bahay. oo nga, ginising ako para kumilos ng maaga pero bumagsak pa rin ako sa sofang kinatulugan ko na. pagkamulat ng aking mga mata, dagli kong tinanaw ang orasan at napagtantong alas sais na. nagmadali akong kumilos at hindi na nagawang kumain pa ng almusal.
nag-quiz sa ap. aba! naka-10 out of 10 ako! kapagdaka’y minadali kong gawin ang assignment sa ap na tungkol sa kapital na naipasa ko naman bago umalis si mr. balitao.
wala akong prinoblema sa filipino sapagkat nabasa ko naman ang pinababasang akda. pinag-usapan namin ang tungkol sa kulam. maya-maya, nag-grouping para sa mga akdang “Ang Baliw sa Bubong” at “Isang Gabi sa Buhay ni Armando Castro” (tama ba yung title?). Kagaya ng dati, amin pa rin ang pagsusuring pangnilalaman.
bumili kami ng burger nina arvin at khaye sa may se ...
|
minsan madarama ang kasaklapan ng tadhana
2006-07-09 10:53:00
Thirteen months ago I was on Davao. I thought I will be happy there… with my father, with my siblings. I thought it is better to leave my high school life in Pasig and begin a new one there. But then I was not composed by that mere illusion of happiness. I begged my aunt to let me return to Pasig. I didn’t lose hope. After nine bitter days in Davao, I flew back to Pasig. Across arranging my bags, I noticed this three-page folded letter. Please allow me on correcting his wrong grammar. Here it is:
Davao CityMay 28 ‘05
My dear son Jonell,
After all, I thought that this would be a happy family reunion. Eight years I was longing for this and a very long eight years I’ve been waiting for. It was indeed a prayer that has been answered. But yet only sadness and loneliness with bitterness was fading on.
It was early in the morning wayback year 1991, at around 6 am, when everybody got so busy preparing and waiting for the coming of a special someone. All were so excited ...
|
sa isang kisapmata aayon ang tunay na pagkamulat
2006-07-08 07:59:00
8:18 pmlaptoplate ako sa usapan namin ni arvin na pumasok sa school ng 7 o’clock. pagkarating ko sa may school, nakita ko sina arvin, kathleya, francis, jose at ang may birthday ngayon na si arnold sa labas ng mini-stop. binati ko si arnold, siyempre. dalawang oras lang daw ang tulog ni arvin. pumunta kami sa grocery tapos pumasok na sa campus. kaya kami nasa school kasi merong upcat review.
doon kami sa room ng IV-3 (room namin). nasa unahan kami ni arvin, sa likod namin sina khaye at jose, samantalang si quints napunta kung saan-saan. nasa room naman ng IV-2 si arnold.
tungkol sa cells ang pinag-aralan namin sa biology. si ms. cruz ang teacher… familiar na siya sa akin kasi madalas ko na siyang makita. nagbigay siya ng pre-test sa amin. 23 ako, 26 si arvin. sa bawat item na tinalakay, sinigurado kong mag-jot ng notes para sa ikabubuti ko. ganun din ang ginawa ni arvin.
sumunod na subject ang english. familiar din ang teacher namin na si ma’am gotengco. siya ang adv ...
|
dear homer - jonell
2006-07-07 06:54:00
4:16 ampc
wala lang ako sa iyo. bakit ko ba kailangang ipagsiksikan ang sarili ko? nasasaktan lang ako. maging ikaw, alam ko, nahihirapan din dahil sa kapangahasan ko. kagabi, alas-nuebe na naman, inangat ko ang telepono at tinawagan kita. hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari. ayaw ko munang magpakita sa iyo o makausap ka man lang kasi nahihirapan lang ako sa tuwing nakikita kita. naaalala ko lang ang mga pangyayari. pero bakit nagawa kong tumawag at kausapin ka? hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob upang makausap ka. isang oras tayong nag-usap bago ipababa sa iyo ang telepono. pagkababa ko, hindi ko napigilang umiyak. sabihin mo nang madrama ako… lahat naman ng kilos ko itinuturing mong kadramahan, eh. umiyak ako kasi nahihirapan na ako sa sitwasyon. ano pa ba ang gusto mo mula kay arvin? sabi mo nga, nais mong harapan niyang sabihin sa iyo. ang alin naman? hindi pa rin ba malinaw ang lahat o sadyang ayaw mo lang na mawala siya sa landas mo? tama naman ako ...
|
dear homer - arvin
2006-07-07 06:45:00
12:45 na sa orasan ko. kauuwi ko alng galing shop at katatapos ko lang magprepare para bukas. kanina, hindi mawala sa isip ko yung nangyayari. kahit sabihin kong mabilis akong maka-move on, iba pa rin. para bang ilang pa ko sa mga kilos ko. at saka iniisip ko na hindi matatapos lahat kung di ko titigilan ang mga kabaliwan ko sa blog (na sinasama ko pa siya). pati na rin siya alam ko mas mahihirapan lang siya kung gaya niya rin ako. pati si jonell. gulung-gulo na rin. tama ba naman kasing komplikado pa ang mga bagay. sinasabi niya bagong chapter na raw ng buhay niya pero bakit parang walang nagbabago? tuloy pa rin . ako kaya ko. sa isang iglap, ayos na lahat. sana lang matahimik na ang mundo ko. pati na rin kay jonell. nag-eenjoy lang talaga kami sa buhay pagba-blog. simulan na ang dapat simulan dahil tinapos na ang mga dapat tapusin. masaya na rin naman ako kahit paano dahil sa isang tao. same old lines na nga pero wala akong magagawa, ganito na talaga ako. si siya_ _ _. natutuwa ako s ...
|
Day 23 - ibsan ng ngiti ang pagpuyos ng damdamin
2006-07-07 03:19:00
10:54 pmpc
maaga akong gumising… maaga nga pala talaga kasi 3:30 ako bumangon para hindi ma-late. pangwala ng antok ko ang pag-type ng sulat ni arvin. nagsulat din pala ako ng isang post. wala pang alas-sais, nasa eskwelahan na ako. pero siyempre bago ako pumasok bumili muna ako ng panibagong ballpen dahil nga sa pagkakawala kahapon ng apat na ballpen na ginagamit ko.sa room, sinimulan kong gawin ang assignment sa ap. pumunta ako sa ir tapos bumalik ako sa room… wala naman kasing gagawin sa ir. natanaw ko si hera kaya pinuntahan ko siya para makasabay. habang nasa daan, nagpa-fill up sa akin ng information yaong isa niyang kaklase… ginawa na rin namin iyon last year sa tle. wala naman si homer sa ir kaya bumalik na lang ako ng room. 7 o’clock na non kaya sigurado na akong late siya. nung sumilip ako sa bintana, may nakita akong batang babae na may pink at black na bag. lumabas ako ng room at hinanap siya. medyo mabagal siyang naglalakad kaya tinulak ko. nabig ...
|
Day 22: sa alatiit ng kawayan lumambong ang tinig
2006-07-06 21:04:00
6:27 pmStudy Net, computer no. 52
Mismong pagdating ko sa room, nagbihis na ako ng p.e. uniform for our first class habang si arvin gumagawa ng visual aid. pumunta na kami sa gym. umuulan buti na lang may payong kami. sumukob sa’ming dalawa sina jose at quints. grabe! pagkakita ko sa kabilang bleacher nandun pala sila homer! nagkaroon ng reporting tungkol sa physical fitness test. nakakatamad. patingin-tingin naman ako sa kabilang bleacher… bakit ba kailangang magkasabay ang mga klase namin? pagkatapos ng p.e., bumili si arvin ng cream-o, bumili naman ako ng iced tea.
nag-reporting din sa filipino… tungkol naman sa akdang “Walang Sugat” ni severino reyes. parang ewan si arvin… nag-ala vic sotto sa bulagaan nila. nakakabwisit kasi hindi nila ako pinagsalita. mga gahaman. mga ganid. mga walang pakundangan. walang kwenta.
bago pumunta ng lab, bumili kami ni arvin ng mango juice sa canteen sa sedp. late na sa physics kasi late tinapos ang klase namin ...
|
Day 21: nalingat na ang kislap ng mga tala
2006-07-05 04:26:00
5:27 pmStudy Net, computer no. 46
buzz! minulat ko ang aking mga mata at napagtanto ko kaagad na nakatulog pala ako sa sofa. nakakainis pala kagabi kasi hindi ako nakagawa ng project ko sa ap. dire-diretso ako sa taas at kinuha ang tuwalya ko at sinugod ang kubeta para maligo. walang anu-ano pa man, nagbihis kaagad ako matapos kong maligo at kumaripas ng paglabas ng bahay para pumunta sa kanto at mag-research para sa project sa ap.
5:30 na nung nasa ingen ako. 30 minutes lang kasi babalik pa ako ng bahay para i-print. at imbis na unahin ang project na kailangan sa araw na iyon e binisita ko pa ang blog ni arvin para basahin ang post niya kagabi. nakapag-research naman ako at inilagay ko sa diskette. langya! pagbalik ko ng bahay, binuksan ko yung pc at tinignan yung laman ng diskette! kaazar! may topak si mabait na diskette! pero mabuti naman nakaraos din ako sa masalimuot na pagprint ng project ko na kinuha ko sa encarta. kainis talaga! late na late na ako! dumaan ako kina ate flor p ...
|
Day 20: tae kami ni arvin
2006-07-04 04:46:00
5:45 pmStudy Net, computer no. 30
Hindi ako maagang pumasok ngayon. Hindi na katulad noong mga nakaraang taon na maaga ako kung pumasok. Hindi ko man lang alam kanina kung ano ba ang first class namin kaya nagmamadali talaga akong pumasok kahit malapit nang mag-alas siyete kanina.
FilipinoLate si Gng. Herrera. Aba’y may Filipino pala ngayong araw! Magsisimula na sana kami ng lesson pero bigla na lang may sumulpot sa labas na mga mapuputing nilalang. Mga porendyer pala! Madami silang mga Amerikano. One of them invaded our room. His name is Phil. Saka ko lang napagtanto na mga parang missionaries sila. Matagal siyang nagdadada sa room; however, nakatulong naman kasi na-open yung eyes ng ilan about God. Nakakatuwa nga, eh. Kasi kagabi hindi ako nakapag-pray tapos kaninang umaga nahiya ako kay God… bigla ba namang naghatid ng regalo sa akin ngayong umaga. Ang cute talaga! Binasa namin yung dulang “Walang Sugat” ni Severino Reyes… na hindi ko naman pinakingga ...
|
tuto
2006-07-04 04:16:00
5:13 pmStudy Net, computer no. 9 (asar may tao sa 30)
Isang bagay lang! Kung hihiram kayo ng gamit kayo dapat mismo ang hihiram. Hindi dapat sinasabing “ihiram mo naman ako”. Paano kung mawala yung bagay na hiniram, sino ang dapat sisihin–yung humiram na hindi gumamit o yung gumamit ng hiniram?
Isa pang bagay! Hindi sa lahat ng oras dapat tawaging kuya ang mga taong nakatatanda sa iyo maliban na lang kung kuya mo talaga siya.
Naisip ko kagabi yung tungkol sa best friend. Tama yung mga sinasabi ng ibang tao na awkward ngang tanungin kung pwede bang maging best friend ang isang tao kasi nga ang totoo e nangyayari na lang iyon nang basta-basta.. yung tipong magugulat ka na lang na best friend pala ang turing niya sa iyo.
Tama si Vin, hindi laging kaibigan ang isang kaibigan. Lalo na sa sitwasyon ko.. at sa sitwasyon niya rin. Kung mayroon kang kaibigan dapat mo siyang pahalagahan. Hindi rin dapat iwanan sa ere ang isang kaibigan. Masakit mahulog nang nag-iisa. Minsan tu ...
|
tandang pananong
2006-07-03 09:15:00
10:18 pmlaptop
Magulo na naman ang mundo ko. Wala akong sinisi sa pagiging ganito ng kalagayan ko sapagkat ako ang pumili nito at dito ako pinadpad ng buhay.
Pinipilit ko nang huwag siyang isipin dahil wala namang patutunguhan kung magkagayon. Hindi ko talaga dapat pinipilit ang sarili ko sa kanya. Tama silang lahat. Isa akong malaking tae shit! Ginugulo ko lang ang buhay niya. Pinagmumukha ko lang na tanga ang sarili ko. Mahirap pala talagang ipilit ang isang bagay na ayaw. Mas mabuti sigurong tahimik siya. Ang masasabi ko e tahimik siya kapag wala ako kaya mas mabuting hindi niya maramdaman ang presence ko.
Salamat na lang sa lahat ng oras na iginugol niya sa akin… lalo na yung mga saglit na sandaling pinangiti niya ako lalo na kapag kinakausap niya ako. Salamat din sa pagpapaunlak sa mga tawag ko. Nagpakatanga ako dahil mahal ko siya. Ayoko nang masaktan… dahil ayokong manakit. Wala lang talagang makakita ng katapatan ko. Ilang beses ko bang papangarapin… Malin ...
|
Does An Eclipse Occur When Three Stars Collide?
2006-07-03 02:40:00
12:14 amlaptop
He gave up. I am sure with that. I am also certain that he’s pretty much tired on his situation. I can’t even help him because I, myself, know that it would be better if I leave him alone this time. I don’t want to ruin his mindset. He has to learn how to manage his emotions and step a bit farther on the exact realization of truth. No one is obliged to blame him. Not even me.
She realized her mistakes. She accepted the truth that she is already tired on being hurt because of what she feels towards him. She’s too exhausted on waiting. But actually one of her feet is instilled underneath the ground. She doesn’t want to lose him even though she never really had him.
He responded. He wants to be free from her. He wants to be away from her and forget everything because he thinks those things are just going to mess everything up again. He has to continue on doing things he never repented to do. He’s so frustrated he doesn’t want to loa ...
|
kanan
2006-07-03 02:35:00
3:33 pmlaptop
Kahit na hindi mo ako mahal.
Kahit na wala kang pakialam sa akin.
Kahit na gusto kitang alagaan.
Kahit na gagawin ko ang lahat para sa iyo.
Kahit na nakawala ka na.
Kahit na nandiyan ka pa rin.
Kahit na hindi mo ako nakikita.
Kahit na maraming taong hadlang.
Kahit na wala lang ako sa iyo.
Kahit na panay pa rin ang pag-iisip ko.
Kahit na tuluy-tuloy ang pagtibok ng puso ko.
Kahit na alam mong gusto kitang makasama.
Kahit na ayaw kitang pabayaan.
Pero kung ayaw mo.
Sabihin mo lang.
Maghihintay ako.
Kahit na magmukha pa rin akong tanga.
Ok lang sa akin basta mapasaya kita.
Ayaw kitang maging malungkot.
Ayaw kong may manakit sa iyo.
Ayaw kong nangungulila ka.
Nandito ako para sa iyo.
Tandaan mo yan.
Sabihin mo lang.
Pakiusap.
Sumagot ka.
Ayokong masaktan.
Mahal lang talaga kita.
...
|
katapusan
2006-07-03 01:59:00
bkt b gnto???ang gulo2 ng buhay ko…..bkt d ko maintndhan???dahil lng s lintik n pag-ibg n 2….nkkpraning…..ksalanan ko b tlga?dba ang tao ay pedeng mgkamali???eh tao lng dn nmn ako eh….ang drama b?eh ang gulo kc eh….eh panu b nmn…..bngay nia n daw lht ng love s kin…..eh d ko nmn mrmdmn un….cguro s srili nia un ang alm nia….pero s side ko?wala…..ayoko n……ako n lng lagi ang mali……pagod n ko s gn2ng ctwaxon…..masma n bng mgmove-on kung d mo tlga kya?sana hayaan mo n kong mging msaya…..ung tpong nppsaya ko ung sarili ko….sa paraang gus2 ko……wag mo n sanang iparmdm s kn n npksama kosau…sawang2 n tlga ko s gnian……hndi lng nmn tlga ko ang pedeng mgmahal sau….mrami p jan…..may mas dapat p sau…..d mo lng nkikita un…nhi2rapan dn nmn ako s bwat ctwaxon n pnapasokko eh…..pero d ako nghihinyang dun….kasi un ...
|
|
|