Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao. |
|
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:
Outgoing:
Total Outgoing: |
0
0
42
7434 |
|
|
Articles from Emotional Fiddler |
Day 29 - tumama ang bala ng baril sa aking mukha
2006-07-19 01:00:00
10:30 pmpclate si gng. herrera kaya natapos ko ang assignment sa filipino. nagpagkatang-gawain at nagkanda-ewan-ewan na naman ako sa pagiging leader. pinutol ang aming pag-uulat nang mag-time na.
pati si arvin late; mapeh na siya pumasok. pinag-usapan ang tungkol sa mental health. nakakainis yung nangulit sa akin na dinedma ko naman. palagay ko, magiging suplado ako habang nakikita ko ang atribida niyang pagmumukha! sinundan pa yun ng pag-abot sa akin ng isang sulat na hindi ko naman agad na binasa. inipit ko muna iyon sa aking notebook at nagpakasasa muna sa pag-recite.
nag-recess kami ni arvin sa tindahan by the gym. burger on the go na naman ang trip namin. binigyan niya ako ng isang chubby. pagbalik namin sa room, napag-isipin niyang bumili ulit. bumili siya ng tubig samantalang bumili ako ng zesto iced tea para magkalasa naman ang kinain ko.
sa research, sa likod ako umupo katabi si arvin. nagkwentuhan lang kami. usap. kanta. kung ano-ano! halos hindi kami nakinig. binasa ko yung ...
|
Day 28 - walang kalalagyan ang tuwirang pagkayamot
2006-07-18 01:40:00
10:30 pmpc
muntik-muntikan na akong ma-late, buti na lang late si sir balitao. sa pintuan pa lang, habang kinukuha ko ang cover shoes ko mula sa aking bag, nangalabit na si arvin. hindi ko nga dapat siya papansinin dahil sa hindi niya pagsipot sa presby kahapon, pero pinansin ko pa rin siya! unang beses kong hindi naghapit ng assignment sa ap; bukas na lang siguro ako magpapasa.makintab nga pala ang kwarto namin! umaasenso na! hindi na kagaya ng dati na hukluban ng dumi at di-kaaya-ayang paligid… gayunman, nagulat naman ako sa sarili ko dahil hindi pala ako nakapagdala ng panyo kaya kulang na kulang ako kanina. tapos, wala pa akong bimpo sa likod… paano na lang kung matuyuan ako ng pawis?
nakakayamot talaga kanina! lalo na nung nag-filipino na. inis na inis si gng. herrera dahil walang hinandang sabayang pagbigkas ang tatlong pangkat maliban sa pangkat isa. sabi ba naman niya, kailangan daw bukas mai-present ang buong piece, at ang pinakamataas na grade ay 5 imbis na 10. ...
|
comment ~ MONICA
2006-07-17 22:20:00
8:00 pmStudy Net, computer no. 43change. change. change.
there is nothing wrong with changes. basta ba para sa growth mo naman kaya ka nagbabago at wala kang naaapakang tao.
i’m proud to say na ang mga changes na nangyayari sa buhay ko ngayon ay will talaga ni God. i thought i was the most ridiculous person living, but then i realized na life is so wonderful.let’s live our life to the fullest, magkaroon man ng mga changes. we can’t blame ourselves for changing… even our personality. by that, we can assure ourselves na nahahanap natin ang ating mga sarili.
changes are the results of the lessons we have learned in life. don’t be afraid to have the change you are yearning. kung makabubuti naman talaga sa’yo, bakit hindi mo gagawin?face what is to be face unequivocably so that we in our selves can nourish our eerie egos. (8:20 pm)
...
|
"And Diary ni Mariel"
2006-07-17 16:25:00
I wrote the following short story last March 1, 2006:
Wala akong ibang pagpipilian kundi ang dumaan sa gym upang mapuntahan ang aking MAPEH teacher. Tulad ng inaasahan ko, nakita ko na naman si Brixx. Napakahusay niya talagang maglaro ng basketball. Matangkad siya at may kaakit-akit na tindig, mapungaw na mata na inakbayan ng tila malalambot na pisngi at mapupulang labi. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa kanya sa tuwinang mapapadaan ako sa gymnasium. At sa mga araw na iyon ay napapadalas na ang pagtingin niya rin sa akin kapag ako ay tumitingin gayong hindi naman kami magkakilala. Ngunit pihadong nagkataon lang naman ang lahat… Mabuti na ring nakita ko siya. Mabuti’t naalala ko ang laro nila bukas. “Mahahanap din natin ang diary mo, Mariel,” sabi ko sa aking best friend na kanina pa umiiyak dahil sa pagkawala ng naturan. Napansin ko siya sa labas ng gym matapos mapuntahan ang aking guro. “Bakit mo ba naman kasi winala-wala.” &l ...
|
lifting God’s name on high
2006-07-16 23:57:00
9:51 pmpchindi ko sukat akalain na magiging napakasaya ng araw na ito. umaapaw ang kaligayahan sa puso ko.
kaninang umaga, matapos ang dalawang taong paghihintay at pag-aasam, nakadalo ako sa wakas sa sunday service ng fpcp. kahit na nang-indian si arvin, okay din naman kasi welcome ako sa presby at naging fruitful yung pag-attend ko.
kanina namang hapon, nasa landmark baptist bible church ako kasama sina mhadz at allan. ikinalugod nila ang pagsali ko. ang sarap talaga ng feeling.
tapos, ngayon-ngayon lang, nakatulong ako sa isang naghihingalong kaluluwa. ipinaalam ko kay pamela ang kadakilaan ni Jesus. i’m thankful that she received Jesus Christ in her heart and that she let Him control her life since then.
sana laging ganito. napakalaki na ng pagbabago sa buhay ko… dahil ito sa Kanya. hindi Niya ako pababayaan. hindi Niya pababayaan ang sinumang sumasampalataya sa Kanya.
kapag namatay ka ngayong gabi, saan ka pupunta? (9:57 pm)
...
|
ang pangalawang upcat review
2006-07-16 00:57:00
9:09 pmpcisa na namang araw ng paggising ng maaga para pumasok sa eskuwelahan. mayroon kaming upcat review.
late si arvin. tae talaga. lumagok na naman… inantok tuloy! physics ang unang subject. si mrs. ferrera ang nagturo. sobrang haba naman nung test na iyon! habang physics, pinasok kami ni mrs. eden, ang teacher sa english, at sinabing hindi niya kami matuturuan. sandali lang siya sumingit sa klase ng physics para magdadada…
nung bandang alas-diyes na, lumabas kami ng campus. nag-basketball sina arvin, quints at jose, samantalang kumain kami ni khaye.pagbalik sa room, nagyaya sina fame at ramon na mag-internet. pumunta kami sa study net. 30 minutes lang ako. inayos ko ang blog ni fame. tapos, biglang may kumalabit sa akin–si jordan ba naman! adik daw ako! maya-maya dumating na sina arvin at nag-counter strike sila. tinulungan ko si quints sa paggawa ng blog niya. gagawa na rin sana si jose pero malapit na siyang mag-time. mag-a ala una na nung bumalik kami sa may ...
|
Day 27 - minsan talaga nag-iiba ang ikot ng mundo
2006-07-15 00:12:00
8:50 pmpcmeron palang pasok. binati ko kaagad si mhadz dahil 14 ngayon at ipinaliwanag sa kanya na walang salitang monthsary–dapat mensiversary.
wala si sir balitao kaya wala kaming ap. ipinakita sa akin ni arvin ang kanyang portfolio. siyempre, binasa ko! nagkuwentuhan kami kasama sina mhadz at fame. biglang pumasok sa room namin ang guidance counselor ng fourth year na si ma’am ignacio. ipinaalala niya sa amin ang naging behavior ng pilot class nang mabalitaang suspended ang classes last wednesday. bakit daw hindi kami nangagsipag-uwian kaagad. sa susunod daw, kami na (1st floor ng phase II ng main bldg.) ang huling makakaalam ng mga announcements dahil daw hindi namin makontrol ang aming mga emosyon.
sumunod na klase ang values. as usual, doon na naman kami ni mhadz–na lagi ko namang seatmate–sa pinakasulok. atat na atat kaming magreport. napag-usapan namin ang pre-marital sex. maya-maya, biglang umentra si sir guevarra at hinanap ako! gagawa daw sa avr ng as ...
|
9:55 pm pc sa mga sandaling ito, dapat ay nahihim…
2006-07-14 00:00:00
9:55 pmpc
sa mga sandaling ito, dapat ay nahihimbing na ako sa pagkakatulog. nasa kama na ako, tapos na akong magsulat sa notebook ko, tapos na akong maggulay-gulay sa pagbabasa ng Bible, nang biglang dumating ang aking tita. May dala siyang pagkain para sa akin na agad ko namang sinunggaban nang hindi man lamang tinatanong kung ano ba ang tawag sa pagkaing iyon. Pork chop with curly? Hindi ko maalala yung sinabi niya sa akin. Hindi ko naman iyon naubos sapagkat masyadong nakabubusog ang iilang subo lamang. Inisip ko rin na baka ako bangungutin kapag masyadong marami ang kainin ko. Kaya nga ngayon ay binuksan ko muna ang pc. Maya-maya na ako matutulog. Palalawigin ko muna ang aking malikot na imagination para maipagpatuloy ko ang kuwentong bitin. Bow. (10:00 pm)
...
|
"MY BEST FRIEND"
2006-07-13 19:46:00
Always happy together–that’s how people around them describe Joseph and Denise. They were best friends since the time they met each other. They were classmates from First Year to Fourth Year. It’s amazing they made a rather strong foundation when it comes to the friendship they’d treasured.But the togetherness between them became minimal as of the moment Denise had his first boyfriend. His name is Alex: a young-looking, handsome, matinee-idol type of guy who was in the pilot class. He was assumed to be the best writer in their campus since he frequently bag awards and recognitions from different contests… and he is vying to be the Class Valedictorian of their batch. Denise didn’t expected him to woo her so painstakingly to the extent that he always go to her classroom every end of the class to talk to her and, apparently, to accompany her on going home. The course of courting ended up on her sweetest reply to the knight-in-shining-armor sort of inte ...
|
kuwentong bitin…
2006-07-13 16:44:00
Nakahilata na naman ako sa aking kama. Pinilit kong buksan ang aking mga mata pero hindi ko nagawa. Sinubukan kong bumangon subalit waring nakadikit na ang katawan ko sa malambot kong higaan. Nakiramdam ako. Naulinigan ko ang sunud-sunod na patak ng ulan sa bubong ng aming bahay at ang patuloy na paglakas ng hanging nagdudulot ng malalakas na hambalos. Masarap talagang matulog kapag masungit ang panahon, lalo na kung nag-iisa ka lang sa bahay.
Isa. Dalawa. Tatlo. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at unti-unting nasilayan ang liwanag. Semplang. Hindi ko nagawang magmulat o tumindig. Animoy nakapako na ang buo kong katawan sa bawat sulok ng aking kama.
Bigla kong narinig ang pagtunog ng telepono. Nagawa kong imulat ang aking mga mata at tumayo. Bumaba ako upang puntahan ang telepono. Umupo ako sa sofa at nang kukunin ko na ang maingay na telepono, bigla itong tumigil sa pagtunog.
Dalawang ring, pagkuwa’y mawawala? Napaisip ako. Para bang nakilala ko na ang tumawag pero b ...
|
walang pasok? oo, walang pasok! hindi nga? kulit!
2006-07-13 07:55:00
5:50 ampcmaaga akong nagising para maaga ring makapasok sa eskuwelahan. gayunpaman, naalala ko na tumawag pala kagabi si khaye at sinabing narinig daw ng mommy niya na walang pasok bukas. binuksan ko ang telebisyon para malaman ang balita. tama nga ang nabalitaan ko. walang pasok.
e, ano na lang ba ang gagawin ko dito sa bahay? magmumukmok? tutulala? ano na lang ang gagawin ko kung walang pasok. sana may pasok na lang. mas masaya pag may pasok kasi marami akong nagagawa. at isa pa, nakakasama ko ang aking mga kamag-aral. bakit ba ngayon pa nawalan ng pasok?
nakakayamot naman. mag-isa na naman ako dito sa bahay kaya wala na naman akong gagawin. ang saklap talaga ng buhay ko.
sabi sa radyo, isipin mo na lang may katabi ka… isipin mo na lang may kasama ka… (5:55 am)
...
|
10:00 pm pc ang hirap namang mag-isa. heto ako ng…
2006-07-13 01:47:00
10:00 pmpc
ang hirap namang mag-isa. heto ako ngayon, nakatulala. hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin para sumaya man lang habang mag-isa ako dito sa bahay. wala akong kasama kaya hindi ko maramdaman ang sarili ko. para akong nasa kulungan, kung alam niyo lang. masarap sanang mayroon akong kasama sa bahay kaya lang wala. heto ako ngayon, pinipilit ibuhos ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsulat, kahit na sinasabi kong hindi ako marunong maglabas ng saloobin. mag-isa lang ako kaya malungkot. gusto ko sana iyong kalagayang mayroon akong makakausap, mayroon akong makakasama… yung ganun ba. masarap siguro ang ganoong pakiramdam. naiinggit nga ako sa mga magkakapamilyang nasa ilalim ng iisang bubong. kahit na minsan mayroong pag-aaway sa kanila, masaya pa rin sila dahil magkakasama sila. kung parati kayong magkakasama sa bahay, hindi niyo siguro maiintindihan ang sinasabi ko ngayon. mahirap kasi talagang mag-isa ka lang. kahit na nga nandito ang lola ko, malungkot ...
|
Day 26 -ang pananalakay ng mapanibughuing sigwa
2006-07-13 01:44:00
1:40 pmpcnanaginip ako. pinuntahan ko daw ang aking mga magulang. nakiramdam ako at napansin kong malamig ang aking paligid. sa sofa na naman ako nakatulog. umuulan pala. may ingay na idinudulot ang hangin. masarap matulog ngunit kailangan kong labanan ang aking katamaran. mag-isa na naman ako sa bahay. malakas ang ulan. tila hindi titigil. hinintay ko munang tumila bago ako nagmadali sa paghahanda. sa kabutihang palad, nakarating ako sa eskuwelahan nang hindi nababasa at hindi gumagamit ng payong. ibinulalas ko sa aking mga kaklase ang pananaw ko tungkol sa maling pasya ng kinauukulan na ipagpatuloy ang klase kahit na masama ang panahon.
dahil sa hindi ako nag-almusal, kinain ko ang baon ni mary joy. sa huling subo ko, dumating si sir balitao. nag-ap kami. late pumasok si arvin; hindi nakataas ang buhok niya. hiniram ko kay mary joy ang jacket niya na pink na hapit na hapit sa katawan ko.
pagkatapos ng ap, bumili kami ni arvin ng pagkain sa tindahan by the gym. bumili ako ng isang bur ...
|
kunwari hindi na lang ako nag-eexist para masaya ka na
2006-07-12 01:42:00
9:10 pmpcmasakit na talaga. hirap na hirap na ako dahil sa kasaklapan nating dalawa. sabihin mo nang madrama ako pero ganito lang talaga ako. mahirap kasing mag-isa. hindi mo kasi alam ang ganoong pakiramdam. hindi mo kasi alam yung nararamdaman ko. alam mo, kahit na sinasabi kong lalayo na ako sa iyo, hindi ko pa rin magawa. kahit anong gawin kong paglimot ikaw pa rin ang pumapasok sa isip ko. mabilis ba? ano ba ang pamantayan ng tunay na damdamin ng puso?
sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilang mapangiti. pinasasaya mo ako kahit sinasaktan mo ako. bakit ko nga naman kasi ipinipilit ang sarili ko sa iyo? hindi nga ako, di ba? ayokong umasa pero umaasa pa rin ako na mapapansin mo na ako. gusto lang naman kitang alagaan. gusto kong ialay sa iyo ang lahat ng pwede kong gawin para sa iyo. hindi naman ako katulad ng iba pero ipinipilit mo pa rin sa sarili mo na baka masaktan ka ulit.
tama na nga itong kahibangan ko sa iyo. masisira na ang ulo ko kaiisip sa iyo. hindi mo naman ako gust ...
|
|
|