Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao. |
|
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:
Outgoing:
Total Outgoing: |
0
0
42
7434 |
|
|
Articles from Emotional Fiddler |
august 10 - a night phone call with sharyl and pia
2006-08-09 21:10:00
[thursday itinerary]mapehfilipinorecessphysics (lab)mathlunchenglishjournalism (speech lab)tambay (crossroads-fpcp)internet (study net)phone call with sharyl and pia
[diary]maaga akong gumising pero hindi ako maagang pumasok sa school. medyo nagtapos ako ng physics notebook kahit alam kong hindi pa naman yun ipapasa. hindi ako pumasok ng maaga dahil sa natulog pa ako bago maghanda sa pagpasok.
eksakto lang naman ang dating ko sa classroom. ang aga ko nga daw. wala naman palang mapeh. heto pa–absent na naman si arvin.
naging maganda naman ang discussion namin sa filipino tungkol sa kabuuan ng bahagi ng el filibusterismo na pinag-aralan namin. kabanata 1-10.
hindi nawala ang pagbili ng turon sa neptali na nagdulot sa akin ng pagkadaplis na sunog. mainit-init kasi yung turon na kinain ko.
nag-unit test sa physics tungkol sa radioactivity. hinanap na naman ni sir pajarillo si arvin sa akin. madali lang naman yung test. 5 item na 5 points each. sayang nga lang kasi namali ko yung huli ...
|
august 9 - halata ang galit ng unholy alliance kay vin
2006-08-09 04:37:00
[wednesday itinerary]- nakasalubong si sharyl sa gate, sumabay papuntang main bldg- naghapit ng report sa economics- ap class: karapatan ng mga mamimili- nagreport ako- assignment 14, 15, 16, 17- humiram ng gunting kay leemervi- humiram ng glue kay joe mari- humingi ng kalendaryo kay reynalin- absent na naman si arvin- contra naturam sa mga suggestion ko- research class: periodic test- kopyahan sa likod, bait nina robert at david- gumawa ako ng sulat para sa principal- kumalat ang “sulat” sa IV-2 amos- umulan ng malakas, wala akong payong- nagpabili kay josephine ng turon- binuraot ang turon ni dia- physics class: nuclear fission and nuclear fusion- nagtanong si sir pajarillo sa’kin kung bakit absent si arvin- lesson sa labas: mass defect and binding energy- music class: nag-group singing contest- ibinigay kay angge ang jane eyre na libro- naglunch mag-isa, siyempre- ayaw maniwalang hindi na gagawa ng ice cream sa chem- humiram ng english arts na libro kay fatima- nag ...
|
august 8 - "the resurrection of arvin. hallelujah! hallelujah!"
2006-08-08 03:46:00
[tuesday itinerary]
- pumasok din sa wakas si arvin- hapit ng assignment para sa filipino- wala si mrs. herrera- nag-ulat ng “ang notse buena ng isang kutsero”, “si basilio” at “si simoun”- nagkuwentuhan kami tungkol sa mga nakaraang araw- pumunta kami sa tindahan by the gym pero hindi bumili- pumunta kami sa neptali para bumili ng tig-dalawang turon- naubos ni arvin ang unang turon; ibinulsa ko ang kalahati- c.a.t. class. tungkol sa drill: formation, line, column, rank, etc.- inubos ang turon sa likod ng aparador- inubos ang natirang turon pagkatapos ng c.a.t.- pumunta sa tindahan by the gym- bumili ng nova, at dalawang iced tea- naupo sa bench sa harap ng gym- research class. sa likod lang kami- nanakot si ma’am jagmis… e wala naman siyang kwenta- binalak ang isang long-term goal- math class. natulog lang ako- “the line is opens outside…” — mr. pacheco- optical illusion ni arvin- kumain kami ng lunch sa canteen ...
|
august 7 - hamon ng guro
2006-08-07 03:51:00
[monday itinerary]
- late sa ap; sa labas ng room naghintay- “mga alamat” at “kabesang tales” sa filipino- bumili ng turon sa neptali- absent si arvin- group quiz bee tungkol sa radioactivity sa physics- kasama si jian pabalik ng room- “online sa oval” noong august 3- exercises sa math- mag-isang kumain ng lunch- nagpasama kay jian bumili at umihi- brainwashed lagi sa pagsagot sa english- nakinig sa advanced chemistry- nakipagtalo kay sir ghie sa tle sa avr- ang hamon ni sir para sa grade na 99 hanggang fourth grading- bakit parang may mga kahawig ang mga tao ngayong araw?- nanood ng “amelie” (isang french movie)
[poetry]yakap
isang tingin ko lang ang tutunaw sa bawat galaw mokung maaari nga sana’y nawala ka na sa landas ko.
pero bakit sa tuwina’y nasisilayan pa rin kitasa kabila ng pangakong kalilimutan ka na.
marahil husto na ang mga dati kong pangarapna dahil sa buhawi ay biglaang nawasak.
pipikit na lang akong muli at mana ...
|
Day 33 - at ayokong magising sa umagang nag-aakit mabuksan
2006-07-26 09:38:00
[10:27 pm / laptop]
maaga akong pumasok ngayong araw. pagpasok ko sa classroom, wala akong kinausap na sinuman; nanahimik lang ako sa aking upuan at nagbasa na lamang ng “Parapsychology: The Controversial Science” na noong Lunes ko pa binabasa.
bago mag-social, nalaman ko na hindi pala talaga nawawala ang sim card ko. dati kasi, winala nila angge at pamela ang sim card ko sa pasig city hall. halos nakalimutan ko nga ang bagay na iyon, eh. pero bakit ba kailangan pang ipaalala? nalaman ko lang naman na binura ni angge ang mga messages sa inbox ko. kung noon pa siguro nangyari iyon, baka nagalit na ako kasi mga text messages sa akin iyon ni kristine. hindi ko na kinailangan pang magalit… masisira lang ang ulo ko.
hanggang sa mag-social na. wala pa rin si arvin. tae. ang kulit pa ni sir bernard. ang lupit ng mga banat niya. “papunta pa lang kayo, pabalik na ako. hindi tayo nagkita, nag-shortcut ako!”eksaktong pagpasok ni ma’am jagmis sa classroom ay an ...
|
5:25 pm pc pangarap ko’t hiling, sa likod ng mga b…
2006-07-25 04:14:00
5:25 pmpc
pangarap ko’t hiling, sa likod ng mga bituin
sa umaga, pagbukas ng aking diwabakit ba ikaw ang unang nakikita?sa gabi, sa pagtulog ko at paghimbingikaw ang kasama hanggang panaginip
iisipin ko na lang bang wala ka napara hindi na ako mahirapan pa?ngunit ang paglimot ay sadyang kay hiraplalo na kung nahulog na ng kay tagal
ayokong pilitin ang iyong damdaminmasakit sa aking mahirapang lagiaabutin na lang ang mga bituinkung saan naroon pangarap ko’t hiling
...
|
6:35 pm pc ulan, ulan, kailan mo ako titigilan? …
2006-07-24 04:13:00
6:35 pm
pc
ulan, ulan, kailan mo ako titigilan?
tititig ang tahimik kong kaluluwa
sa sulok na minsan nang nabasa
ng payasong buhos ng ulang
iginuhit ng kapalaran.sa kalagitnaan, aking napagtanto
ang hamog na bumalot sa hapon,
ang hindi mapigil na unos,
ang sumugat sa aking puso.
balot ng katahimikan ang paligid
tigib ng hinanakit ang langit
samantalang ipinipiit
ang tumatangis kong damdamin.
muling tititig ang sugatan kong puso
sa kawalan na napapalayo
hanggang sa ako ay matuto
hanggang sa ako ay mahulog.
...
|
‘dustine’
2006-07-23 15:20:00
okay. fine. whatever.
...
|
ikaw ang hinahanap-hanap… wag na wag kang kukurap
2006-07-23 04:11:00
5:09 pmpc
maaga pa lang nagising na ako. nakatulog na naman ako sa sofa. pagkagising ko, nagdalawang-isip muna ako kung pupunta ba ako sa presby. maulan sa labas pero pumunta pa rin ako para sa worship service. maganda ang naging topic. the battle is the Lord’s. pagkatapos ng service, naghintay pa kami ng 30 minutes bago maihain ang tanghalian. pinagdikit ang dalawang mesa para maging mahaba at magkasya kami. hotdog ang ulam. meron ding noodles. maya-maya, niyaya ako ni jeff na pumunta sa study net. nag-download siya ng songs para sa mp3 player niya. lumakas ang ulan sa labas at nagbaha pa sa labas ng shop. nakauwi naman ako ng hindi nababasa ang notebook ko. (5:15 pm)
...
|
MINSAN (by eraserheads)
2006-07-23 01:27:00
Minsan sa may kalayaan
Tayo nagkatagpuan.
May mga sariling gimik
At kanya-kanyang hangad sa buhay.
Sa ilalim ng iisang bubong,
Mga sikretong ibinubulong.
Kahit na anong mangyari,
Kahit na saan ak man patungo.
Ngunit ngayon,
Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana’y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan.
At kung sakaling gipitin ay
Laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.
Minsan ay parang wala nang bukas
Sa buhay natin.
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo’y mauubusan.
Sa ilalim mg bilog na buwan
Mga tiyan nati’y walang laman.
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi’y anong saya.
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari,
Kahit an anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan.
Dahil ngayon,
Tayo ay nilimot ng kahapon.
Di na mapipilitang buhayin
Ang ating pinagsamahan.
Ngunit kung sakaling mapadaan,
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.
...
|
ang araw ng pangatlong upcat review
2006-07-22 23:56:00
9:50 pmpclagpas 8 am na ako umalis sa bahay. nakasabay ko sa tricycle si gelyn, yung kasama ni belle kahapon. malapit lang siguro siya sa amin. halos magkasabay din kaming naglakad patungong rizal high. at magkasabay din kaming pumasok sa classroom. wala pa noon si arvin.
chemistry ang first subject; teacher si ma’am nudo, ang dati naming chemistry teacher. sa bandang likod ako naupo. maya-maya, nung nagsimula na ang review, nagrecite ako! biglang dumating si vin saka siya tumabi sa akin. ang lupit talagang magturo ni ma’am nudo! bilib na bilib kami sa kanya.
english ang next subject; wala si ma’am rodriguez. sabi niya last week, nung magkita kami sa library during the math lecture of mr. eden, hindi daw niya kami mapupuntahan. nangyari nga! natulog lang kami ni arvin. as in tulog talaga! ewan ko ba, masyado kaming antukin!
later on, bumili kami ng burger sa labas. pagbalik, binalak naming umuwi ng maaga. nung dumating na si sir rubio para sa math, tumakas na kami. in ...
|
Day 32 - the invisible are visible
2006-07-21 04:07:00
hindi ko na inisip kung ma-late man ako sa first subject ngayong araw. pagdating ko sa classroom, humiram ako kay mhadz ng copy ng exercise sa math at ng biodata sa english. nainis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagdala ng bimpo, ni panyo.
nasayang ang oras ko sa pag-ikot sa gym para maghanap ng photocopying machine sa campus. agad akong lumabas para magpa-xerox. ang layo ng nilakad ko. nakasalubong ko pa nga si ma’am nudo, ang chemistry teacher namin sa last year.
aba! nakaabot pa ako sa classroom. mabuti na lang nakapagpa-photocopy ako at mabuti din na wala si sir bernard ngayong araw. ipinabasa ni arvin ang sinulat niya sa notebook.
sa values, nabagot lang ako. sobra. tapos nasa likod pa ako. may pinagawa sa bond paper. gumawa naman ako para hindi masyadong halata na hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang subject na yaon na hindi naman mahalaga.
naggitara si vin at nagkanta kami. wala nga pala si sir paja kaya walang physics. nag-recess kami. dapat talaga sa tindahan by the ...
|
Day 31 - ipikit mo ang iyong mata… ano ang nakikita?
2006-07-21 01:39:00
bago magsimula ang klase, nag-practice ng sabayang pagbigkas ang bawat pangkat. late pumasok sa amin si ma’am lising para sa mapeh. sabi niya, magku-quiz lang daw para makapag-practice kami. habang nagku-quiz, nag-grand entrance ang late na si arvin.
“Arbin, herri ap!… Arbin, get a lengtways peyper… Arbin, start at namberr six…”
naka-10 out of 20 pa ako sa quiz! nag-practice kaagad para mayroon kaming mabuo. sa kinagandang-palad naman ay nakaraos din kami sa sabayang pagbigkas sa filipino. ay! armando! pagkatapos ng masayang pagtatanghal, ipinagpatuloy talakayin ang liham pangangalakal. overtime.
nag-recess kami ni arvin sa tindahan by the gym canteen sa neptali. naka-isang turon lang ako samantalang nakadalawa siya. ipinakita niya sa akin ang isang notebook na walang spring, pink ang cover, may no. 14 sa harap, at mayroong your BE HAPPY ‘tudes sa likod.
late pala kami sa physics! pasimple kaming pasok sa lab pero nahuli din kami. dedma lang ...
|
"aking hiling sa pagsikat ng araw"
2006-07-20 03:28:00
ang pagsikat ba ng araw ang nagdidikta sa umagaat nagtatakda ng mga gawain ng bawat nilalang?ang pagsikat ba ng araw ang dapat na taglayinng sinumang bihag ng dalita at pag-ibig?
bakit ba nakatago ang karimlan sa likod ng liwanag?bakit nga ba nauudlot ang bawat salin ng alamat?bakit ba dumudungaw ang panibagong mukhang isang panibagong araw sa ating harapan?
ang pagsikat ba ng araw ang maghahanda sa balanasa nalalapit na pagtatapos ng langit at ng lupa?ang pagsikat ba ng araw ang magpapawalang-uhawsa tigang na lupang inakala nating may buhay?
ang pagsikat ba ng araw ang siya nating hinihintayat pinakikiusapang magpalaganap ng kulaysa bawat umiinog na planeta at talang makikitasa mapusok na anyo ng malawak na kalangitan?
ang pagsikat ba ng araw ang dapat na abangan?bakit nga ba hindi natin masilayan ang liwanag?ang pagsikat ba ng araw ang siyang katotohananna dapat panatilihin sa ating mga kamay?
...
|
Day 30 - ceteris paribus (other things being equal)
2006-07-20 01:37:00
sumablay na naman ako sa pagpasok ng maaga. pagdating ko sa may classroom, dumaing kaagad sa akin si arnold ng tungkol sa away nila ni kathleya. pinakinggan ko siya ngunit wala naman akong naging aksyon sapagkat malamig na ang paligid nang pumasok ako sa classroom. agad akong naghapit ng report para sa ap. ngayon lang yata nag-overtime si sir balitao.
tapos, nag-recess kami ni vin sa tindahan by the gym. pagbalik namin sa room, research na! tumambay kami sa labas at kunwari’y kasali sa pag-decorate ng pinto (yung “welcome IV-3″). napag-usapan na naman namin ang pagiging abnormal ni ma’am jagmis. nung medyo patapos na ang research, sumimple na ako ng paghahapit ng assignment sa ap.
pumunta na kami ni vin sa annex ng lab. pagkakita sa akin ni sir paja, inutusan niya kami ni apollo na pumunta kay sir pascual para kunin yung mga instruments para sa projectile motion at upang hiramin ang color chart. pinagka-interesan ni sir ang pangalan ko. sabi ba naman ni vin, tae ...
|
|
|