Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:


Outgoing:
Total Outgoing:
0
0


42
7434

Articles from Emotional Fiddler

3 Ibong Mandaranggit.
2007-03-13 11:10:22
Sa espasyo pa lamang sa labas ng bahay ay natanaw ko na siya. Nakasuot siya ng jacket. May bitbit siyang mga bag. Hindi ako dapat naniwala sa pagbigkas ni Tita ng tawag na “Kuya” pagpasok ng lalaking iyon sa sala. Ang kanyang mga mata ay katulad ng sa akin. Ang hugis ng kanyang katawan ay maihahambing sa aking matangkad na pangangatawan. Madalas sa aking sabihin ni Lolo noon na parang ako ang lalaking iyon noong bata pa siya. Kamukhang-kamukha nga raw. Paulit-ulit ko nang narinig ang pagsabi niyang para raw kaming kaulitan ng isa. Ngayo’y napapatunay ko na, unti-unti, na may magkaparehong dugong nananalaytay sa aming pagkatao. Matapos siyang yakapin ni Tita, kinuha nito ang kanyang mga bag at ipinanhik sa itaas. Sa pagkakataong iyon ay nabaling na ang kanyang tingin sa mga ilaw na nakapaligid sa kabaong. Lumapit siya dito at pinagmasdan ang laman nito. Inilapat niya ang kanyang kanang kamay sa salaming humaharang sa patay at sa buháy na malapit nang sumigaw ng &ldquo ...
2 Bisita.
2007-03-12 14:22:04
Ganoon na lang pala ang pakiramdam kapag namatayan ng kamag-anak lalo pa’t kapiling namin ang mga ilaw na walang katapusang nakabukas sa buong magdamag, mga bulaklak na ipinaabot ng mga kakilala, habang nilalasap ang paulit-ulit na tunog ng pagbalasa ng baraha sa lamesa. Hindi ako sanay magpuyat kaya nahirapan ako sa unang araw ng burol ni Lolo. Gayunman, inasahan kong titiwasay rin ang aking kalagayan pagkalipas ng limang araw. Bihira akong makalapit sa kabaong na pinaghihimlayaan ng taong iyon na hindi ko maubos-maisip na marami pala talagang pinagdaanan. Maraming bisita ang kumausap kay Tita at nagsabing naging mahalagang bahagi si Lolo ng buhay nila. “Mabait po iyang si Sir. Hindi ko makakalimutan ang tulong na iniabot niya sa akin noong gipit talaga ako sa pera. May sakit noon ang anak ko at nasa ospital. Kung hindi siguro dahil sa kanya e hindi nakaligtas ang anak ko,” bulalas ng isang babaeng nasa kuwarenta ang edad. Bakit kasi kailangan pang mawala si Lolo? Ku ...
1 Regalo.
2007-03-11 11:26:17
Noong unang araw ng March, itinaya ni Tita ang halos kalahati ng kanyang ipon para sa operasyon. Naging matagumpay ito ngunit kinailangan pa ring alagaan sa bahay ang kanyang tatay, ang aking Lolo. Pagkagising ko, nadatnan kong wala ang kanyang lumpong katawan sa kanyang higaan sa sala. Maging si Tita at si Lola ay wala rin sa bahay. Malinis ang kanyang higaan at nakatiklop ang mga kumot. Ang aparatong ginagamit upang siya’y makakain ay nakalagay sa kahon. Tahimik sa sala. Walang kung anong pag-ungol na sumagi sa aking pandinig. Kinutuban ako. Makalipas ang ilang segundong pag-iisip at pagkatulala sa harap ng higaan ni Lolo, alam kong tama ang aking hinala. Bumalik ako sa aking kuwarto at dinampot ang aking cellphone. “Tita, wala na ba siya?” Agad kong naramdaman ang lungkot ng kanyang boses nang sinabi niyang nasa ospital sila ni Lola. “Wala na ba siya?” ulit ko kasabay ang agarang pagkapako ng tingin sa kawalan. “Hintayin mo kami diyan. Dadalhin pa ...
Mo at Ko.
2007-03-10 11:45:17
Inukit ko sa puno Ang pangalan mo At pangalan ko. (more…) ...
Para sa nanay ko.
2007-03-09 10:04:09
Alas dose na Ng hatinggabi. (more…) ...
Sino si Totoy Bato?
2007-03-08 10:40:31
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Totoy Bato? Sa kanyang pagiging maangas Hindi na yata lumambot ang puso. (more…) ...
Ang papatay sa akin.
2007-03-07 11:42:46
Limang daliri ang inilapat Sa ibabaw ng mga bakal. (more…) ...
Hunger proves poverty.
2007-03-06 12:23:39
A very simple yet intrinsic question blasted on my mind as I was pondering about the upcoming May election: Could poverty be solved now? Everytime I see hungry people on the streets, under bridges, or even at their own homes, I can’t help but to be sad about the turmoil that despite of the nation’s gradual rise, there are still Filipinos who can’t afford to eat thrice a day. The November survey of the Social Weather Station (SWS) indicated that 16.9 percent of some 17.4 million households (each having about 5 members) were hungry at least once over the past three months. SWS said in a statement that the results of the survey showed that while some families managed to cross the borderline of poverty, other families began to suffer the deep deprivation of hunger. So, what’s the real problem behind this? Is this the result of the purported economic growth being flaunted by President Gloria Macapagal-Arroyo or is it the real image the whole country, including the co ...
Hope Centeno vs. Kris Aquino and James Yap.
2007-03-06 04:19:44
Si Hope Centeno? Hope Centeno? Hope Centeno? Hope Centeno? E, si James Yap? Yung basketball player? Si James Yap? Yung MVP? Si Kris Aquino buntis? Oo, matagal na? Si Kris Aquino ba yung asawa ni James Yap? Ha? Ewan.  Nagulat ako nang makita ko si Edu Manzano sa noontime game show na “Pilipinas, Game KNB?”. Saka ko lang naalalang hindi muna pala lalabas sa telebisyon si Kris Aquino sa loob ng dalawang buwan dahil sa kanyang pagbubuntis. Inisip ko na dating ang Chairman na rin ng Optical Media Board ang pumalit muna sa batikang TV host sa “Kapamilya, Deal or no Deal” lalo na’t madalas na lalaking may tindig na gaya ng kay Edu ang host sa ibang version ng Deal or no Deal sa ibang bansa. Ayaw kasi ni Kris na may pumalit sa kanya kaya nagpaalam muna ang primetime game show at magbabalik pagkatapos ng apat na buwan. Wala ako sa lugar para humusga sa iba’t ibang sulok ng panibagong isyung prinuproblema ni Kris. Sino ba naman ang walang alam tungkol sa pags ...
Bahay-bahayan.
2007-03-05 03:08:50
Pag-uwi ko sa bahay galing sa eskuwelahan, nadatnan ko si Mamang nagliligpit. Ilang bag ang nakalapag sa sahig habang siya ay nagmamadali sa pagtiklop ng mga damit, pagsalansan ng iba pang gamit, at pagtapon ng mga maituturing nang basura. Magmamano na ako sa kanya nang narinig namin ang sigaw ni Aling Josie. “Anong oras ba talaga kayo lalabas? Ilang ulit ko nang sinabing pagbalik ko dapat nakaalis na kayo. Aba! Ilang ulit ko ba kayong palalayasin?” Palalayasin. Ginunaw ako ng huling salita ng may-ari ng inuupahan naming bahay. Bago pa man ako makapagtanong sa aking nanay ay sinagot niya na kaagad ang gumulo sa aking isipan. “Hindi na daw siya papipilit, anak. Tulungan mo na nga ako dito.” “Sandali lang po, Aling Josie,” sigaw ko. “Pagbuksan niyo nga ako ng pinto!” Nag-alangan pa ako bago ako nagmadaling patuluyin siya. Halata ang galit sa kanyang mukha. Dumiretso siya sa aking kuwarto na nadatnan niyang wala nang laman, tumungo sa kuwart ...
Kami na.
2007-03-04 04:53:01
Ewan ko ba kay Divine pero itinuturing niyang panliligaw ang mga ginagawa ko sa kanya. Hindi ko naman siya masisi sapagkat alam kong totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. Iniibig ko siya ng tunay at alam kong alam niya iyon. Mahigit isang buwan ko na siyang hinahatid-sundo. Malapit sa akin ang nanay niya, maging ang kaisa-isa niyang kapatid. Madalas na rin akong sumalo sa hapagkainan nila. Nang minsang itanong ko sa kanya ang tungkol sa tatay niya, sinabi niya sa aking hindi pa niya ito nakikita mula noong ipinanganak siya. Divine Joy Jimenez ang buo niyang pangalan. Kaklase ko siya mula pa noong first year kami. Isa siya sa mga tunay na habulin sa paaralan namin. Maraming lalaking nagkakagusto sa kanya pero hindi siya madaling magpakagat. Ako nga raw ang pinakasuwerteng lalaki sa eskuwelahan ayon sa aking mga kaklase at ng iba pang mag-aaral na nakakikilala sa aming dalawa ni Divine. Masasabi kong pareho kaming sikat. Madalas siyang isali sa mga pagandahan, talent search, Ms. Unite ...
Dehado sa away.
2007-03-02 23:02:11
Halos hindi ako makahinga habang nasa bingit ng panganib na aking susuungin. Alam kong sa sandaling lumapit ako kay Kevin ay mag-aala-toro siya sa bagsik at sindak. Pero wala nang ibang pagkakataon; lulubusin ko na ngayong mag-isa lang siya. Kailangang ako na ang gumawa ng hakbang. Lumapit ako sa kinauupuan niya malapit sa bintana ng aming silid-aralan. Dahan-dahan lang. Pigil ang hininga, tumigil ako sa harapan niya. Siya ay nakatungo at nang mapansin ang dalawa kong paa ay unti-unti akong siniklaban ng nakakatakot na paningin. Hindi ko malaman ang kahulugan ng titig na iyon. Hindi na ako nagtagal pa. “Ano ba’ng problema mo?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa lumiliyab niyang mga mata. Para bang tumaas ang dugo niya hanggang bumbunan. “Hindi ka ba magsasalita?” tanong ko pagkalipas ng isang minutong hindi niya pag-imik; nakatingin lang siya sa akin. “Ano’ng problema ko? Ikaw, ano’ng problema mo?” “Ikaw! Ikaw ang problema ko. D ...
Small coins.
2007-03-01 23:05:19
As I was reading the Philippine Daily Inquirer today, I was stucked on this article about the Bangko Sentral ng Pilipinas urging Filipinos to circulate small coins. So striking. As I was pacing to the computer shop I always go to, I was thinking of some mantras or even anything to begin this post. I was determined to write something about it. Decided what unit to use, I waited for this girl who was fixing her things up before leaving that unit. Suddenly, I found a 25-centavo coin beside the keyboard and hurriedly, I picked it up and put it in my pocket. I have read that three to four out of ten Filipinos, as estimated by BSP, disregard the value of small coins such as 5-centavo, 10-centavo, and even the 25-centavo. So what seems to be the problem? Primarily, it’s because of the intimidation that has been struggling over many of us nowadays. Look at a point in which you see a 5-centavo coin while walking along your street, and then you’ll hear this voice telling you that it ...
The rest is silence.
2007-02-28 10:47:38
Among the about two thousand freshmen who were enrolled for the school year 2003-2004, I am one of the brightest to belong to the Special Science Class. Being a section 1 student was an honor for me. There I mingled with different kinds of people, who came from different schools (public and private) and spent the rest of the year with our feet planted on the soil of friendship. Reminiscing my first days or weeks inside the four corners of my high school brings about shame. I used to be a shy person. I had no self-confidence. I was totally different. The worst part is that I am afraid to speak. However, as time was going by, I discovered so many things—things that life taught me intentionally sans the idea of blurring my ardor towards the mysteries of life. Time was flying by, day after day, with lessons that strengthened me from the inside out. Like each one of us, I had faced so many failures but then life proved me that breakdowns don’t really confirm one’s disabili ...
The emergency room.
2007-02-28 08:31:29
Everyone was already prepared for the fancy drill competition among the Fourth Year Special Science classes of Rizal High School. The past days were packed with practices, practices and practices that squeezed every inch of our bodies. Last night, our tiresome rehearsal ended at 9 pm. Winning is not on our section’s vocabulary; all we want is to finish this for us to focus on other things that are utterly important such as our historical researches and our term papers that are due on Friday. I am right on saying that this is the most crucial week I ever had. Everything was set when something bad happened to my best friend. I freaked out when the news came to me that he was rushed to a hospital. Something happened! Something terrible happened without my knowing it! Because of what happened, the elimination procedure was postponed. Everybody was frustrated. I, on the other hand, was stupefied by every single thing that was around me including the pressure of my paper works, my obli ...
[First] « Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 Next » [Last]


5480 blogs in our database.
Statistics resets every week.
eXTReMe Tracker