Emotional Fiddler
Gusot. Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:


Outgoing:
Total Outgoing:
0
0


42
7434

Articles from Emotional Fiddler

Noli Me Tangere Kabanata 12 - Araw Ng Mga Patay.
2007-09-03 12:02:57
Kabanata XII Araw ng mga Patay Buod Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalag ...
Noli Me Tangere Kabanata 11 - Ang Mga Makapangyarihan.
2007-09-03 12:02:14
Kabanata XI Ang mga Makapangyarihan Buod Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi. Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiyago. Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor. Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siy ...
Noli Me Tangere Kabanata 10 - Ang San Diego.
2007-09-03 11:59:17
Kabanata X Ang San Diego Buod Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran. Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala. Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila an ...
Noli Me Tangere Kabanata 9 - Mga Suliranin Ukol Sa Bayan.
2007-09-03 11:57:50
Kabanata IX Mga Suliranin Tungkol sa Bayan Buod May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon. Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto. Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang ...
Noli Me Tangere Kabanata 8 - Mga Alaala.
2007-09-03 11:38:04
Kabanata VIII Mga Alaala Buod Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala. Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang m ...
Noli Me Tangere Kabanata 7 - Suyuan Sa Asotea.
2007-09-03 11:37:29
Kabanata VII Suyuan sa Asotea Buod Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria. Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego. Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista. Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo. Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid s ...
Noli Me Tangere Kabanata 6 - Si Kapitan Tiago.
2007-09-03 11:36:38
Kabanata VI Si Kapitan Tiyago Buod Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman . Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid an ...
Noli Me Tangere Kabanata 5 - Isang Bituin Sa Gabing Madilim.
2007-09-03 11:35:30
Kabanata V Pangarap sa Gabing Madilim Buod Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra. Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na ...
Noli Me Tangere Kabanata 4 - Erehe at Pilibustero.
2007-09-03 11:34:53
Kabanata IV Erehe at Pilibustero Buod Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan. Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito. Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain. Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang na ...
Noli Me Tangere Kabanata 3 - Ang Hapunan.
2007-09-03 11:34:12
Kabanata III Ang Hapunan Buod Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon. Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na um ...
Noli Me Tangere Kabanata 2 - Si Crisostomo Ibarra.
2007-09-03 11:32:51
Kabanata II Si Crisostomo Ibarra Buod Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina ...
Noli Me Tangere Kabanata 1 - Isang Handaan.
2007-09-03 11:30:40
Kabanata I Isang Handaan Buod Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tung ...
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere.
2007-09-03 11:25:28
Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes Matali ...
TV Ratings GMA7 and ABS-CBN (Aug. 31–Sept. 2)
2007-09-02 11:38:38
August 31 (Friday): Daytime 1. Meteor Garden (GMA-7) - 26.6% 2. Eat Bulaga! (GMA-7) - 23.6% 3. Wowowee (ABS-CBN) - 22.1% 4. Pati Ba Pintig Ng Puso (GMA-7) - 20.1% 5. Daisy Siete (GMA-7) - 19.6% 6. Game KNB? (ABS-CBN) - 19.3% 7. Kung Mahawi Man Ang Ulap (GMA-7) - 18.7% 8. Foxy Lady (GMA-7) - 17.2% 9. Takeshi’s Castle (GMA-7) - 17.0% 10. Margarita (ABS-CBN) - 14.5% Primetime: 1. Marimar (GMA-7) - 37.2% 2. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) - 36% 3. 24 Oras (GMA-7) - 35.6% 4. Impostora (GMA-7) - 32.5% 5. Jumong (GMA-7) - 29.4% 6. Kokey (ABS-CBN) - 28.6% 7. Ysabella (ABS-CBN) - 27.4% 8. Walang Kapalit (ABS-CBN) - 26.4% 9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 26.1% 10. Deal or No Deal (ABS-CBN) - 23.9% September 1 (Saturday): Daytime 1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 23.4% 2. Wowowee (ABS-CBN) - 23.2 % 3. Wish Ko Lang (GMA-7) - 22.1% 4. Startalk (GMA-7) - 16.9% 5. Takeshi’s Castle (GMA-7) - 16.4% 6. Pedro Penduko at ang Mga Engkantao (ABS-CBN) - 15.5% 7. Fantastic Man (GMA-7) - 14.4% 8. Entertainment Live (AB ...
Upcoming GMA shows.
2007-09-02 02:02:55
Pasan Ko Ang Daigdig — Starring Yasmien Kurdi, JC De Vera, Mart Escudero, Jennica Garcia, Gary Estrada, Alessandra de Rossi, Polo Ravales, Jenine Desiderio, Marcus Madrigal. Directed by Joel Lamangan. Replacing Pati Pa Pintig ng Puso on September 10. Couple or Trouble – Canned from MBC Korea. Starring Oh Ji-ho, Han Ye-seul. Based on the 1987 American movie Overboard. Replacing Foxy Lady on September 10. Zaido: Pulis Pangkalawakan — Starring Dennis Trillo, Marky Cielo, Raymart Santiago, Aljur Abrenica, Lorna Tolentino, Lovi Poe, Kris Bernal, Karel Marquez, Jay Manalo, Paolo Ballesteros, Iwa Moto, Diana Zubiri, LJ Reyes, Arci Muñoz, Vaness del Moral. Sequel permission granted by Toei Japan. A remake of Shaider (Uchuu Keiji Shaider) was supposed to be produced but Toei Japan declined the submitted script. GMA was instead permitted to write an original story featuring the descendants of the characters in the original Shaider. Directed by Dominic Zapata, it is expected to ...
[First] « Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 Next » [Last]


5480 blogs in our database.
Statistics resets every week.
eXTReMe Tracker