Pinoy Celebopedia
Pinoy Celebrities Online Portal- Movies, TV, Music, Magazines, Awards, etc. |
|
Statistics
Unique Visitors:
Total Unique Visitors:
Outgoing:
Total Outgoing: |
0
12482
17
6761 |
|
|
Articles from Pinoy Celebopedia |
Alex de Rossi ready to work with Jennylyn Mercado on 'Super Twins'
2007-04-10 05:54:30
Alessandra de Rossi (right) joins the cast of Super Twins,which also include Jennylyn Mercado,whom Alex accused before as one of the reasonswhy she had ex-boyfriend Jeremy Marquez broke up.Photo: Noel Orsal (Jennylyn) & Dominique James (Alex) Walang balak makipag-away si Alessandra de Rossi kay Jennylyn Mercado now that she's part of Super Twins.Kapalit ng pagiging loyal ni Alex sa GMA-7 dahil hindi niya tinanggap ang offer ng ABS-CBN to be part of Sine Serye's Hiram Na Mukha na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann, nabigyan si Alex ng dalawang shows with another one coming up.End of week eight, papasok ang character ni Alex sa Super Twins na pinagbibidahan nina Jennylyn, Dennis Trillo, at Nadine Samonte. She will play Nickellina, ang half-sister ni Ian de Leon playing Manuel na ama naman nina Nicole Dulalia and Ella Cruz playing Sha Sha and Tin Tin.Pinasok ang character ni Alex bilang replacement ng nag-leave na si Tanya Garcia who plays Alloya, ang pangalawang a ...
|
Luis Manzano bares his behind in 'Ang Cute ng Ina Mo'
2007-04-10 05:53:51
After his sexy pictorial for Cosmopolitan magazine, Luis Manzano becomes more daringas he agreed to show his butt?twice!?in the movie Ang Cute ng Ina Mo. Photo: Noel Orsal The first time magpa-sexy pictorial ang anak nina Lipa Mayor Vilma Santos and Edu Manzano na si Luis Manzano, "inirapan" daw siya ng kaniyang ina. This was for the Cosmopolitan Centerfold, where he posed behind a wall with nothing at all but the wall covering his asset.Sabi raw sa kaniya ni Mayor Vi, "Anak, you don't have to do this."Hindi pa raw sinasabi ni Luis na he is more daring in his follow-up movie after last year's All About Love, ang Ang Cute ng Ina Mo kung saan partner niya muli si Anne Curtis with Ai-Ai delas Alas in the title role.May dalawang eksena kasi kung saan magpapakita ng kaniyang puwet si Luis. One is part of a sexy scene, pero magiging comedic pa rin ang dating; the other one purely comic. No qualms si Luis to do this, sabi niya during the first general press con ng Ang Cute ng Ina Mo na gina ...
|
PMPC announces nominees for the 23rd Star Awards for Movies
2007-04-10 05:52:09
Maricel Soriano (left) and Judy Ann Santosare strong contenders for Best Actressin the 23rd Star Awards for Movies.Photo: Noel OrsalInilabas na ang nominees for major categories para sa 23rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Ang awards night, na ipo-produce ng Starview Productions, ay gaganapin sa March 23 sa UP Theater. Ang TV coverage naman nito ay ipalalabas sa IBC 13 on March 24, Saturday.Ang magiging hosts ng Star Awards this year ay sina Aga Muhlach, Heart Evangelista, at Jericho Rosales, samantalang trivia host naman si Ryan Agoncillo. Si German "Kuya Germs" Moreno ang recepient ng Ulirang Artista Award.Narito ang listahan ng nominees sa major categories:Movie of the YearDon't Give Up On Us (Star Cinema)Kaleldo (Centerstage Productions)Kasal, Kasali, Kasalo (Star Cinema)Ligalig (CM Films)Pacquiao The Movie (Star Cinema/FLT Films International)You Are The One (Star Cinema)Movie Director of the YearJoyce Bernal (Don't Give Up On Us)Jose Javier Reyes ( ...
Movies
|
Maging Sino Ka Man, extended hanggang Mayo
2007-04-10 05:48:15
Muling na-extend ang Maging Sino Ka Man ?til May ayon na rin sa kagustuhan mismo ng advertising agencies na sumusuporta sa nasabing programa nina Anne Curtis, Sam Milby, John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.Kaya ang programang supposedly papalit sa nasabing soap drama ay naurong din.Kaya?t biglang may mangyayaring kakaiba sa Maging Sino Ka Man, bagay na ikatutuwa tiyak ng loyal viewers ng serye.Samantala, may isa pang sorpresa ang MSKM before the year ends, abangan na lang.Ang pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo nina Anne at Aiai delas Alas plus Luis Manzano ang siyang inaabangang ipalabas ng una dahil kakaiba raw ang role niya sa pelikula, bagay na hirap na hirap gawin ni Anne dahil hindi naman daw siya ganun sa tunay na buhay, nagmamaldita.Source: Philstar
...
|
Sarah Geronimo, sobrang in demand sa abroad
2007-04-10 05:40:14
Grabe, sobrang in demand talaga ni Sarah Geronimo sa shows sa abroad. After ng super successful niyang concert sa Canada last March 4 up to March 10, nasa Australia ang grupo ng Return of the Champions ? Melbourne (March 23) and Sydney (March 24).Habang nagpi-prepare para sa kanyang launching movie at sariling show sa ABS-CBN, concentrate muna si Sarah sa ASAP and Little Big Superstar.Confirmed na raw na hindi matutuloy ang Dear Heart movie. Ayon sa source, nag-decide na ang Star Cinema at Viva Films na ?wag na lang itong ituloy after na mag-express si Megastar Sharon Cuneta na hindi siya favor na magkaroon ng remake ang nasabing movie or kung meron man, gusto niyang kamukha niya ang mag-portray ng character niya. Definitely, hindi kamukha ni Sharon si Sarah kaya hindi na lang daw itutuloy. Inaayos muna ang bagong project for Sarah na ayaw pa nilang i-reveal.Source: Philstar
...
|
Rhian Ramos is being troubled by back pains
2007-04-10 05:27:07
Rhian RamosIkinatatakot ng young actress na si Rhian Ramos ang madalas na matinding pananakit ng kanyang ng likod. Hindi pa nakapagpapa-check-up nang husto si Rhian dahil kasalukuyan itong nasa Thailand for the Holy Week vacation, pero pagbalik niya ay didiretso raw siya sa doktor. Hangga't hindi pa raw siya nakakapagpakonsulta sa isang espesyalista, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kanya at kung ano talaga ang karamdaman niya. Actually, may initial examination na siyang pinagdaanan, pero mas kailangan pa raw ng mas thorough medical check-up. "Kung brace ba or operation or exercise lang, hindi pa niya [Rhian's doctor] alam. So ako naman, ?No!' So I really need to take pa the tests next week when I get back from Thailand. I'm leaving kasi because of my Dad, magbabakasyon lang ako for Holy Week," kuwento ni Rhian. Posible kayang scoliosis ang sakit niya? "Pagbalik ko, may check-up ulit para tingnan kung ano na ang nangyari," sabi niya. "Kasi ako, trying to ...
|
Ronnie Liang admits having a crush on Bea Alonzo and Nikki Gil
1969-12-31 17:59:59
Left: Bea AlonzoCenter: Ronnie LiangRight: Nikki Gil"Marami po akong crush sa showbiz," said Ronnie Liang in an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) at the press con of Your Song. "Si Bea Alonzo po tsaka si Nikki Gil." Ronnie had only good words for his long-time crush, Bea. "Bago pa kasi ako pumasok sa showbiz... Parang napaka-amo kasi ng mukha niya. Parang ang bait-bait tapos ang ganda pa tapos ang galing pang mag-act. 'Pag nakikita ko siya sa TV, parang sa akin niya sinasabi [?yong mga linya]. Tsaka noon pa man, as in high school pa lang ako, nakikita ko na siyang mag-act. Grabe!" said the singer cum actor. Ronnie showed PEP a picture of him and Bea taken with his cell phone. The picture was taken during Sharon Cuneta's birthday concert at the Araneta Coliseum where both Ronnie and Bea were guests. He said, "It's a sign of humility na rin, di ba? ?Excuse me Bea, puwedeng magpa-picture?' Bahala na kahit anong tingin niya. Andoon na ?yong oppo ...
|
Lorna clarifies report that Rudy has a pacemaker
1969-12-31 17:59:59
Rudy Fernandez &Lorna TolentinoIwinasto ng multi-awarded actress na si Lorna Tolentino sa TV Patrol World ng ABS-CBN kagabi, April 3, ang unang napabalita na nilagyan na ng pacemaker ang puso ng kabiyak niyang si Rudy Fernandez. Kasalukuyang nasa Cardinal Santos Hospital si Rudy para sa ika-apat niyang chemotheraphy kaugnay sa taglay nitong periampullary cancer, isang agresibong uri ng cancer na mabilis kumakalat sa iba't ibang bahagi ng katawan. Noong April 1 ay iniulat sa The Buzz na nilagyan na ng pacemaker ang puso ng aktor. It turned out na si Lolit Solis, manager nina Rudy at Lorna, ang source ng The Buzz. Ngunit ayon kay LT ay mali ang iniulat ni Manay Lolit na lumabas din dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) dahil hindi raw pacemaker kundi tubo ang inilagay sa dibdib ng kanyang asawa para magsilbing daluyan ng gamot para sa chemotheraphy ng aktor. Layunin ng nasabing tubo na mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Rudy kapag sumasailalim sa chemotheraphy. Sa ...
|
Jennylyn Mercado and Alessandra de Rossi end their rift
1969-12-31 17:59:59
Left:Alex de RossiRight:Jennylyn MercadoNagkita at nagkaayos na sina Alessandra de Rossi at Jennylyn Mercado. Kahit Holy Tuesday, tuloy pa rin ang taping for the GMA-7 toprating show Super Twins starring Jennylyn, Nadine Samonte, and Dennis Trillo. Sa Parks and Wildlife ang location for the day at dito kukunan ang pagkakamatay ni Doņa Besta played by Tetchie Agbayani. Contracted for two weeks si Alessandra to join the series playing Nickellina, ang half-sister ni Manuel played by Ian de Leon, na ama ng kambal na sina Sha-Sha and Tin-Tin na nagiging Super Twins. Last week ang first taping day ni Alex. Hindi sila nagpang-abot ni Jen dahil magkaiba ang location at call time ng dalawa. Today, April 3, kinunan ang unang eksenang magsasama sila. Ten o'clock in the morning ang call time ni Jennylyn at three o'clock in the afternoon naman si Alex. From where she is resting, Jen got up to personally meet Alex nang dumating ang huli. Binati ni Jen si Alex and Al ...
|
Jay-R Siaboc apologizes to Sam Milby
1969-12-31 17:59:59
Left: Sam MilbyRight: Jay-R SiabocVery apologetic si Jay-R Siaboc na naging issue nila ni Sam Milby over an earring. Sa unang pagkakataon yata na nakausap namin ang salutatorian ng Pinoy Dream Academy last Holy Monday, April 2, sa Dencio's katabi ng naging eskuwelahan niya, seryosong makipag-usap ang Cebuano at napakatipid ng ngiti. Nalaman niyang nagka-issue pala ang patawa niya about the earring na hiningi niya kay Sam on their trip to Japan. At ngayon ay binubomba siya ng mga supporters at kaibigan ng Film-Am actor/singer na galing naman sa Pinoy Big Brother. Sa isang press con daw, nang may nakapansin sa suot niyang hikaw at tinanong kung saan nanggaling, biglang nagbaklang galaw si Jay-R at sinabing "kay Papa Sam." Na-pick up ito ng ilang manunulat at nakarating sa mga kaibigan ni Sam kung kaya't napupulaan siya ngayon na binigyan na nga ay binastos pa ang nagbigay. "Ginawa ko po yun pero wala talaga akong ibig sabihin. Hindi ko napansin na mali pala ang ginawa ...
|
Aljur, Jewel, Kris, and Mart were hailed StarStruck winners!
1969-12-31 17:59:59
Left: Mart & KrisRight: Aljur & JewelWith a bigger audience than last year, and definitely a more friendly stage design, inabot ng mahigit apat na oras ang proclamation last night, March 25, ng four winners of this year's artista-search show ng Kapuso Network sa Marikina Sports Park. Mas malaki at mas maayos din ang naging opening number with an almost complete cast from the first batch to the fourth batch. Grouped in six but all in one stage?pagkatapos mapakilala ang Final 6 that also included Prince Stefan and Rich Asuncion?unang nag-sexy dance ang grupo nina Katrina Halili, Iwa Moto, and Cristine Reyes. Sinundan ito ng isang fast dance na ipinamalas nina Mark Herras, Marky Cielo, Rainier Castillo, and their group. Nag-ala-Dreamgirls naman sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Stef Prescott, and their group. Nag-ala Boy-band naman ang grupo nina Gian Carlos with their guitars. Isang female fast dance number ang ginawa ng grupo nina Ryza Cenon and LJ Reyes. At pi ...
|
It's a baby boy for Nene Tamayo!
1969-12-31 17:59:59
Nene TamayoMasayang-masaya ang kauna-unahang Pinoy Big Brother (PBB) winner na si Nene Tamayo (Jennivev Santillan Tamayo in real life) dahil sa naging resulta ng ultrasound na isinagawa sa kanya kung saan natuklasan na lalaki ang kanyang ipinagbubuntis. Si Nene ay six months pregnant sa asawang dance instructor na si Anthony Plamio. Matatandaang nag-meet ang dalawa sa set ng dance show ng ABS-CBN na U Can Dance kung saan sila ang naging magka-partner. Nagpakasal sila nang lihim noong September 2006 at nitong January 2007, lumabas sila sa The Buzz para aminin ang pagdadalantao ni Kumander Nene. Wala ngang pagsidlan sa labis na kasiyahan ang PBB Big winner ngayong nalaman niya na lalaki ang magiging panganay nila ng kabiyak. "I'm on my sixth month now and so far, wala pa rin akong nararanasang symptoms na karaniwang nae-experience ng isang babaeng buntis," masayang pagbabalita ng 25-year-old TV and movie personality. Ikinatuwa rin ni Nene ang sinabi ng kanyang OB- ...
|
Stef Prescott has easily recovered from losing on "StarStruck"
1969-12-31 17:59:59
Stef PrescottKahit na hindi nakasama sa StarStruck Final 6 si Stef Prescott, may dalawang TV shows na kaagad ito na sasamahan sa GMA-7?isang afternoon show at isang primetime show. Ayon sa manager ni Stef na si Jeffrey Gamil (manager din ni Nadine Samonte), mabilis naman daw na naka-recover si Stef sa pagkakatanggal niya sa StarStruck. Umasa raw kasi talaga si Stef na makakakuha ng isang title since isa nga siya sa pinakamalakas sa grupo. Pero kung yun daw ang fate ni Stef, baka mas may magandang oportunidad para sa kanya. Tulad nga ngayon, dala-dalawa ang shows na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network. Happy naman daw si Stef sa mga nanalo na sina Jewel Mische, Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Mart Escudero. Sana raw ay lalo pa nilang pagbutihan ang kanilang trabaho para mapatunayan nila na deserving sila sa mga titulong napanalunan nila. Nang tanungin si Stef kung gusto pa ba niyang magkaroon ng ka-loveteam, sinabi nito na hindi na raw kailangan. "It's b ...
|
Christian Bautista's major concert on April 28 postponed
1969-12-31 17:59:59
Christian BautistaImbes na malungkot ay natuwa pa ang singing heartthrob na si Christian Bautista sa cancellation ng major concert niya this April 28 sa Araneta Coliseum. Ayon kay Christian, wala raw siyang sapat na panahon para makapag-rehearse para sa naturang concert. May US tour kasi si Christian with girlfriend Rachelle Ann Go kaya alam niyang hindi niya mapag-uukulan ng sapat na panahon ang pagre-rehearse. Alam din kasi ni Christian na kapag sa Big Dome gaganapin ang isang show, kailangang maging perfect ang lahat. Kailangang walang palpak dahil nga napakalaking venue nito. Bukod pa dito, alam ni Christian na magiging abala ang lahat ng tao dahil sa nalalapit na May 14 elections. At dahil bakasyon at kapag summer ay nasa probinsiya ang halos karamihan sa mga tao, baka hindi mapuno ang Araneta Coliseum. Sa darating na May naman, mapapako ang atensiyon nila ni Rachelle sa isang pelikula na sa kauna-unahang pagkakataon ay pagtatambalan nila. Hindi lamang silang d ...
|
Say Alonzo warns PBB evictee Zeke Dimaguila
1969-12-31 17:59:59
Say AlonzoInamin ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Say Alonzo na nasaktan siya nang labis sa binitiwang pahayag ng PBB Season 2's latest evictee na si Ezekiel Joshua "Zeke" Dimaguila na hindi ito nagagandahan sa kanya. Ayon kay Say (Sherylle Anne Alonzo Yutadco in real life), "He should be thankful because I'm not in Manila right now. He'll just have to wait because I'm also frank and I haven't done anything bad against him," sabi ni Say na nasa out-of-town nang lumabas ang isyu sa kanila ni Zeke. Ang ikinaloka nga ni Say ay hindi lang isang beses kung hindi paulit-ulit na sinabi ng Australian hottie sa iba't ibang programa ng ABS-CBN that he does not think she's pretty. Bagama't nag-apologize din naman si Zeke nang kapanayamin ng The Buzz last April 1, pero pinanindigan pa rin nito ang comment na hindi maganda si Say. Matatandaan na si Say ang huling na-evict sa first batch ng PBB housemates. Huli siyang napanood sa fantaserye ng ABS-CBN na ...
|
|
|